top of page

LASTING MOMENTS

  • Jul 29, 2025
  • 1 min read

Updated: Oct 31, 2025

Lasting Moments (2025)

Written & Directed by: Fifth Solomon


Aggressive silang magpa-iyak. Kahit wala pang nangyayari, sunod sunod na agad ang mga iyakan. May iilan na nakakadala, pero kadalasan ay nakakasawa na. Natabunan na ang kanilang mismong kwento.


Mahilig silang magbitaw ng mabibigat na linya, ngunit hindi ramdam ang bigat nito. Parating pinapatugtog ang soundtrack, pero mahina ang dating nito.


May mga paksa silang iniiwasan, kaya hindi naging masagana ang mga diskusyon. Wala masyadong napupuntahan ang mga hidwaan—kundi iyakan. Pagdating sa dulo, pigang piga ka na.


Hindi nakakagulat ang ending. Kung dahan-dahan sana ang simula, baka sakaling makabuo sila ng magandang koneksyon. Kung hindi nila tinadtad ng drama, baka sakaling umangat ang kanilang mensahe.

Ang nagdala sa pelikulang ito ay ang dalawang bidang artista dahil parehas silang magaling umarte.


Ang sarap panuorin ni Sue Ramirez dahil hindi ka niya titipirin sa mga emosyon. Binuhuos niya ang lahat sa bawat eksena. JM De Guzman is the man who can stir things up. Nanggigising at sumasabog ang kanyang damdamin.


Sadly, their moments of excellence aren’t enough to make a lasting impact. Scenes pass by without leaving a mark. Instead of lasting moments, the movie shows a series of fleeting moments.


𝑳𝑨𝑺𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑴𝑶𝑴𝑬𝑵𝑻𝑺

Cast: Sue Ramirez, JM De Guzman, Victor Silayan, Ge Villamil, Tommy Alejandrino, Kych Minemoto, Wendy Villacorta, ØV Cunt

Presented by: PASSION5 Studios

Release Date: July 30, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page