top of page

LOVE IS COLOR BLIND

Love is Color Blind (2021)

Directed by: John Leo Garcia


A boy, with color blindness, tries to paint again—with the help of his girl bestfriend.


The plot is actually powerful. All the actors are honestly good. The color symbolisms they’ve shared are really appreciated.


This movie has the potential to tell an inspiring story. But seems like it’s not their main priority.


Ang importante sa kanila ay maglagay ng napakaraming cheesy lines at kilig scenes. Kahit hindi na akma sa daloy ng kwento, basta lang may sweet moments ay masaya na sila.


Pinaghalo-halo nila ang mga karaniwang masasaksihan mo sa mga rom-com movies.


Magsasawa ka sa mga punchlines.

Mauumay ka sa dami ng quotable lines.


Dahil sa walang katapusang bangayan at harutan nila, natabunan na ang totoong istorya. Nawalan nang oras para mag-kwento. Minadali nila ang mga bagay-bagay. Padalos-dalos ang mga pangyayari. Hindi na rin nakilala ang iba’t ibang mga karakter na mahalagang pagtuunan rin sana ng pansin.


Magaling umarte ang dalawang bida, ngunit hindi buo ang pagkakasulat para sa mga karakter nila. Kulang-kulang pa rin kahit halos dalawang oras na ang buong pelikula.


Ang haba-haba ng napanuod mo.

Pero iilan lang dun ang mahalaga.


Nauuna ang pagpapa-kilig.

Nahuhuli ang istorya.


Dahil dito,

Nawalan ng kulay ang pelikula.


LOVE IS COLOR BLIND

⭐️


Cast: Belle Mariano, Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo, Angelina Cruz

Presented by: Star Cinema

Date Released: December 10, 2021 via www.ktx.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page