MADAWAG ANG LANDAS PATUNGONG PAG-ASA
- goldwinreviews

- Sep 25
- 1 min read
Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa (Sinag Maynila 2025)
Directed by: Joel Lamangan

Dahil consistent ang performance ni Rita Daniela na mabait at dedicated siyang teacher, maniniwala ka na lang sa kanya. May door-to-door invasion pang nagaganap sa bawat bahay ng mga bata para pilitin silang pumasok sa eskwelahan.
Iba’t iba ang edad ng estudyante. Magandang pagkakataon sana ito para ipakita kung paano niya tuturuan ang mga iyon. Ngunit pagdating sa classroom, halos wala masyadong discussion na nangyayari. Panay introduction lang. Tapos konting recitation tungkol sa substraction.
Hindi mo matancha kung magaling ba talaga siya. Hindi mo rin malaman kung anong epekto ng kanyang pagtuturo sa mga bata. Salat sa pagbahagi ng mga karanasan. Nalimitahan sa math at spelling bee ang mga pangaral.
May mga karakter na sundalo, pari at komunista na parang display lang sa pelikula. Kahit tanggalin mo sila diyan, makaka-usad pa rin ang kwento. Si Kapitana ang tunay na bad ass dito. Ang effortless tumalak ni Dorothy Gilmore.
Ang haba ng mga usapan para i-kwento ang mga nawawalang eksena. Dinadaan sa nakakaantig na musical scoring para madala ka sa mga nangyayari.
Consistent ang pagiging dramarama ng pelikula. Seryoso sila sa kanilang sinasabi. Edukasyon parati ang bukambibig. Dahil panay ang katok sa pintuan, hindi mo rin ito kayang ipagtabuyan. Madawag ang naging ending, ngunit may iniwan namang mensahe.
𝑴𝑨𝑫𝑨𝑾𝑨𝑮 𝑨𝑵𝑮 𝑳𝑨𝑵𝑫𝑨𝑺 𝑷𝑨𝑻𝑼𝑵𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑮-𝑨𝑺𝑨
Cast: Rita Daniela, Ynigo Delen, Felixia Dizon, CX Navarro, Jim Pebanco, Albie Casiño, Jak Roberto, Paulo Angeles, Sue Prado, Lou Veloso, Dorothy Gilmore
Presented by: New Sunrise Films
Release Date: September 24-30, 2025 for Sinag Maynila
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments