MANDIRIGMA
- goldwinreviews

- Dec 15
- 3 min read
Mandirigma (2025)
Directed by: Danny Marquez and JR Olinares

Ang kapal ng mukha nilang maglagay ng inspiring quote sa simula. Na para bang ang ganda ganda ng ipapakita nilang pelikula. Tapos sinabi pa na dalawa ang direktor nila. Na para bang dream collaboration ang magaganap. More like nightmare.
Hindi marunong umarte yung bida. Sinampal at tinadyakan na siya, pero parang nasasarapan pa siya. Kapag magsasalita siya, akala mo meron siyang punchline, pero seryoso pala ang eksena.
Ang masaklap pa diyan, “artista” raw ang trabaho niya sa pelikulang ito. Tapos naka-night shift duty. Lakas maka-loko ng mga kaganapan.
Tumatalon na parang kangaroo ang flow. Flashback over flashback over future perfect tense. 𝘋𝘰𝘨𝘚𝘩𝘰𝘸 𝘋𝘪𝘷𝘢𝘴 could never. Palipat-lipat din ng location. Nagpakita ng drone shot ng SM Supermalls sa hindi malamang dahilan. Nasa Afghanistan daw sila pero parang nasa Commonwealth lang naman. Puro interior ang shots.
Hirap na hirap na ang editor. Puro langit na lang ang ipinapakita para lang pagdikitin ang mga eksena. Pati paglubog ng araw ay tinatagalan para lang humaba ang pelikula. Naka-ilang sunset at sunrise na ang dumaan.
Nagiging magician na ang bida dahil he’s everything everywhere at all once. Sa sobrang hirap ng continuity, isang buong paragraph ang nasa screen para lang sabihin kung ano na ang nangyayari.
Tatlo lang ang settings ng cinematography. Either sobrang dilim, sobrang liwanag, or blurry. Kapag may action scene, aalugin nila ang kamera para kunwari exciting. Kapag may iyakan, tatapalan nila ng dramatic musical scoring.
Nagaaway sila, pero nakafocus dun sa Hello Kitty figurine at sa Gintong Maneki-neko. Mas madadala ka pa sa pag-taas-baba ng kamay ng gintong pusa kesa sa alitan nila. Sabog na nga ang sound. Nagsisigawan pa sila.
Si Marc Herras, parating galit. Si Angeli Khang, parating umiiyak kahit wala pang nangyayari. Final Boss ang datingan ni Rob Sy, pero ambilis natalo. Yung isang karakter dun, gumawa lang ng Vivamax scene tapos nawala na. Parating sinasabi ng bida na hinahanap niya ang nanay niya, pero puro babae ang inaatupag. Pagka-entrance nila Jeffrey Santos at Ramon Christopher, umexit din kaagad sila.
Hindi mo na alam kung ano ba ang nangyayari. Kulang na lang magpatugtog ng “𝘚𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵” by The Dawn. May appearance si Hello Kitty at ang SM Supermalls. Mas marami pang exposure ang araw at ang kalangitan kesa sa mga artista. May Actor na naka-night shift duty.
By the way, Mandirigma rin pala ang bida rito. Pero mukhang mas bagay na tawaging mandirigma ang mga manunuod. 71 minutes lang ang running time, ngunit unang minuto pa lang, mapapalaban ka na kaagad. Inspired by a true story daw, pero hindi siya nakaka-inspire.
Hindi ₱500 Noche Buena ang tunay na challenge, kundi ang pagnuod sa pelikulang ito. Kung gusto niyong masira ang inyong Pasko, handog nito ang magpapa-bwisit sa ulo niyo.
Be a Mandirigma for no reason.
Watch this trashy film during the Christmas season.
𝗡𝗢𝗧𝗘: 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗿𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗮 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗼𝗻𝗲𝘀𝘁 𝗲𝘅𝗽𝗲𝗿𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘄𝗮𝘁𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗼𝘃𝗶𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗱𝗶𝘀𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁 𝗮𝗻𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝘁𝘀 𝗶𝗻𝘃𝗼𝗹𝘃𝗲𝗱 𝗶𝗻 𝗶𝘁𝘀 𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗛𝗼𝗽𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱. 𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂. 𝗠𝗲𝗿𝘆 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗺𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗮 𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝗲𝘄 𝗬𝗲𝗮𝗿. 🙏🏻
𝐌𝐀𝐍𝐃𝐈𝐑𝐈𝐆𝐌𝐀
Cast: Sahil Khan, Angeli Khang, Mark Herras, Via Veloso, Natasha Ledesma, Akeena Cristel Sagum, Rash Flores, Zach Gabriel Gumawit, Mark Gyver, Rowie, Rob Sy, Jeffrey Santos, Ramon Christopher, Kuya Isaac Sabaw
Special Participation: SM Supermalls, Hello Kitty, Maneki-neko
Written by: Not Indicated
Presented by: Not Indicated
Distributed by: Viva Films
Release Date: December 17, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments