MARIA AZAMA: BEST PORN STAR
- goldwinreviews

- 3 days ago
- 2 min read
Maria Azama: Best P*rn Star (CineSilip 2025)
Written & Directed by: Alpha Habon

63 minutes lang ang pelikula. Unang minuto pa lang, sira na agad ang theater experience. Maiirita ka sa sound design.
Kung hindi mahina ang boses, tunog lata naman ang naririnig mo. Kapag may sinasabi sila, hindi tugma sa buka ng bibig nila. Palpak ang audio dubbing. Amateurish ang pagkakagawa. Pasuko na rin ang editing. Pinagdikit-dikit na lang mga eksena.
At some point, nakakatawa siyang panuorin dahil sa mga artista. Bagay ang role kay Albie Casiño. Magkahalong kulit at libog ang naibigay niya sa karakter. Nakakaaliw kung paano magsalita at umungol si Dani Yoshida. Kwela ang ensemble.
Benta ang mga punchlines. Maganda sana ang concept. Punong puno ng ideas at imagination. Pero nawalan ng gana at lakas pagdating sa execution.
Lokohan lang kung paano tumakbo ang kwento. Magkagalit ang dalawang bida, tapos ang next scene nila ay naglalandian na.
Lumalabas lang ang mga kaibigan kapag oras na ng jakoolan. Naglagay ng tatay sa bahay, pero wala siyang ambag sa mga usapan. Actually, lahat ng mga sinasabi nila ay walang pinapatunguhan.
Merong karakter na bihira lang ipakita, tapos biglang may pasabog siyang revelation na hindi mo alam kung saan niya hinugot. Hindi naman siya binigyan ng importansya sa pelikula para magkaroon siya ng ganung moment.
Hanggang sa ending at credit scene, hindi sila nagpaawat sa pagsabog ng kalokohan. Siguro kung inupload ito online, pwede pang patawarin at enjoyin. Pero para sa ilagay sa sinehan, nakakalungkot lang. Imbes na sumaya, manghihinayang ka na lang.
Imbes na sabihing the best itong Maria Azama,
ang hinaing ay sus marya ang zama.
𝑴𝑨𝑹𝑰𝑨 𝑨𝒁𝑨𝑴𝑨
Cast: Albie Casiño, Dani Yoshida, Chloe Jenna, Aldo Cuervo, Bridge Martin
Presented by: CineSilip, Overstimulated Studios
Release Date: October 22-28, 2025 on select Ayala Malls cinemas
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments