Mary Cherry Chua (2023) Directed by: Roni Benaid
Isang patay na estudyante ang nagmumulto. Bakit kaya?
Antagal umusad ng kwento. Hindi ka magugulat sa mga nangyayari. Masyadong halata ang mga kilos ng karakter. Hindi sulit ang paghihintay sa sikreto. Naglagay pa ng plottwist na hindi naman makatotohanan.
Hindi maganda ang hitsura ng pelikula at ang mga special effects. Kulang pa sa hasa ang karamihan sa mga bidang artista. Nakaka-inis ang dubbing na ginawa para kay Alma Moreno dahil malayong malayo sa kanyang boses.
Walang epekto ang mga pananakot. Walang dating ang make-up ni Mary Cherry Chua. Dinaan lang lahat sa sound effects. Minsan, nauuna pa yung malakas na tunog kahit wala pa namang nangyayari sa eksena.
Pumasok ka sa sinehan para matakot.
Ngunit mas nakakatakot pa pala ang mga nangyayari sa labas.
MARY CHERRY CHUA
Rating: 0/5 Cast: Ashley Diaz, Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Krissha Viaje, Abby Bautista, Alma Moreno, Joko Diaz Presented by: Studio Viva, Viva Films Date Released: July 19, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments