top of page

MEET, GREET & BYE

  • Nov 12, 2025
  • 2 min read

Meet, Greet & Bye (2025)

Directed by: Cathy Garcia-Sampana


Kadalasan kapag ang pelikula ay tungkol sa pamilya, nagsisimula itong masaya. Ngunit iba ang kalakaran dito. May tensyon na kaagad sa paggitan ng mga karakter. Kaunting tulak lang ay pwede na silang sumabog. Maliban dun, ibang usapan pa na makita ang isang nanay na naghihirap dahil sa sakit na cancer.


Mapapatanong ka kung ano ba ang mas mahirap para sa isang nanay. Ang makita ang mga anak mo na nag-aaway. O ang kirot na dulot ng cancer.


Mahirap panuorin ang pelikula sa umpisa. Hindi mo alam kung may pag-asa ba talaga siyang gumaling. Habang hinihintay iyon, kailangang tiisin ang ingay ng away pamilya. Ngunit dahil din sa mismong ingay na iyon, mas umaangat ang mga tahimik na sandali.


Sa bawat oras na hindi sila nagtatalo, panalo ito sa pakiramdam. Mula sa simpleng ngiti hanggang sa mahigpit na yakap, malinamnam itong pagmasdan. Iingatan mo ang mga sandaling iyon dahil alam mong bihira lang siyang mangyari. Hahanap-hanapin mo siya.


Gaya ng isang magulang, gagawin mo ang lahat upang masulyapang muli ang masasarap na sandaling iyon. Sariling paghihirap ay handang tiisin, dahil may dalang ginhawa na makitang masaya ang mga mahal mo sa buhay.


Naipakita ng pelikula ang pagmamahal ng isang ina. Damang dama mo kung gaano ito kalaki dahil sa pagganap ni Maricel Soriano. Bawat salita at aksyon mula sa kanya ay tumatagos. Her acting radiates years of experience.

Kahit napuputol ang kanyang mga linya, hindi napuputol ang malakas na koneksyon ni Juan Karlos sa mga eksena. Nagagamit ni Belle Mariano ang kanyang mata at mukha upang iparating ang kanyang mga emosyon. Minsan ay kinakapos si Piolo Pascual, ngunit minsan ay naaayon din ito para sa kanyang karakter. Nangingibabaw ang puso at damdamin ni Joshua Garcia.


Other characters are underutilized, despite seemingly capable of contributing more to the situation. During the confrontation scene, the sharing of quotable lines and abundant information don’t flow naturally. Some references and relationships aren’t established well.


A certain amount of time is given to show the family problems, yet the journey to the resolution and healing is abrupt. Nonetheless, the ending is a fitting wrap-up to the story. With the heartwarming finale, a mother’s love and hardship is rewarded.


Crying in this movie hits you in waves. Much like a Meet-Greet-Bye situation. You meet a couple of emotional moments. Greet them with tears. Then wipe them goodbye.


Pabugso-bugso ang mga iyakan, kaya paghandaan

dahil baka lumuha ka nang hindi mo inaasahan.


𝐌𝐄𝐄𝐓, 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐓 & 𝐁𝐘𝐄

Cast: Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos

Written by: Julbo Albano, Patrick Valencia, Cathy Garcia-Sampana

Presented by: Star Cinema

Release Date: November 12, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


12 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
elle
Mar 01
Rated 4 out of 5 stars.

nakulangan k papa p, dingdong dantes would’ve been a better choice

Like

Juhana dimakuta
Jan 28
Rated 5 out of 5 stars.

Walang kumapas lalu Yung mag tatay feel ku na para sa sariliku at mga anak ku lalu na aku ofw. Single mom may sakit pa nanay ku. At. Ang Kapated ku mga anak ku naling kulang sa attention ku kahit tawag lang the best ❤️ itu sa LAHAT ng nakikita ku kahit putul putul lang Ang napanuud ku piru Yung Kaba at sama ng loob tugma saakin LAHAT 😥😥😥😥😥😥

Like

Andrew
Nov 27, 2025
Rated 1 out of 5 stars.

Not super great.

Edited
Like

Guest
Nov 16, 2025
Rated 5 out of 5 stars.

SUPER GALING NG MGA CAST. WALANG TAPON.

Like

ivoreen
Nov 13, 2025
Rated 5 out of 5 stars.

The best! a must watch movie with family and friends!🫶🏻

Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page