MEG & RYAN
- goldwinreviews
- Aug 4
- 2 min read
Updated: Aug 7
Meg and Ryan (2025)
Directed by: Catherine Camarillo

Surprisingly, merong chemistry sina Rhian Ramos at JC Santos. Hindi mo ito agad agad na mararamdaman. Nagsimula ang pelikula na may kanya-kanya silang mundo. Pero nung nagkasama na sila, dun mo lang masasabi na bagay pala sila.
Cute ang una nilang pagkikita. May spark naman ang sumunod. Tapos nadagdagan ng kilig. Aabangan mo kung kailan ulit sila magsasama, dahil gusto mong mas lumalim pa ang kanilang relasyon.
Ngunit hindi yun ang nangyayari.
Overpowering ang script. Nawawalan ng sariling boses ang mga karakter. Kapag nag-uusap sila, hindi siya conversational. Sunod sunod ang mga quotable lines. Hindi tuloy sila nagkakaroon ng pagkakataon na mas makikilala ang isa’t isa.
Sobrang liit ng kanilang mundo. Kung saan saan sila nagkaka-banggaan. Hindi creative kung paano ipinapakita ang mga eksena. Bigla na lang may nangyayari. Yung iba ay sasabihin na lang nila imbes na ipakita.
Maraming impormasyon ang sinasabi tungkol sa mga karakter, ngunit hindi nila nagagamit yun para umusad ang kwento at ang kanilang relasyon.
Masyadong pilit ang conflict. Gumagawa sila ng problema kahit wala naman talaga. Imbes na gawing dramatic ang mga buhay nila, sana ay nagfocus na lang sila sa romance at comedy dahil dun sila epektibo.
Steven Bansil was like nakakatawa here. Nasa timing ang pag-deliver niya ng mga punchlines. Si Warren Daniel Osinaga ang officemate na gusto mong maka-trabaho dahil kaya niyang buhayin ang workplace.
“Torete” ang OST ng pelikula. Maganda ang nagawang version ng bandang Better Days, at maganda rin itong nailapat sa eksena. Nakatulong ang musika upang mas lumitaw ang emosyon ng mga karakter.
Nakakatuwa si Rhian Ramos kapag pinapakita niya ang bubbly side ni 𝘔𝘦𝘨. Consistent at faithful ang naging portrayal ni JC Santos para kay 𝘙𝘺𝘢𝘯.
If the story focuses more on these characters, the movie could’ve been better. Sadly, the unpolished script consistently dominates the narrative, stealing the spotlight from Meg and Ryan.
𝑴𝑬𝑮 𝑨𝑵𝑫 𝑹𝒀𝑨𝑵
Cast: Rhian Ramos, JC Santos, Cedrick Juan, Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan, Alison Black, Mika Silos, Noel Comia Jr., J-mee Katanyag, Steven Bansil, Warren Daniel “Poca” Osinaga
Story & Screenplay by: Gina Marissa Tagasa
Presented by: Pocket Media Productions
Release Date: August 6, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments