top of page

MINDANAO

Mindanao (MMFF 2019)

Directed by: Brillante Mendoza


The core of this film lies on the lives of the Muslim people. Kung gaano kahirap ang buhay nila. How colorful their culture is. Nais nilang ibahagi.


Simple ang istorya. Mukhang makatotohanan ang lahat. May asawang sundalo si Judy Ann. May anak na nasa hospital. At may storytelling narration in-between depicted by animated drawings. The transitions from the colorful drawings to the blunt reality were seamless.


Makulay ang kultura. Informative lahat. May mga bagong bagay akong nalaman, para mas maunawan ko pa ang mundong kanilang ginagalawan.


New learnings. New-found information. But this movie focuses too much on feeding them all to the brain, and not through the heart.


Hindi naman nakakadala at nakakatakot ang mga eksena. Pero salamat kay Judy Ann Santos at sa anak nyang si Yuna Tangod. Muli nilang ginising ang puso ko.


Si Judy Ann Santos ang nagpadama sa akin ng hirap at tapang ng pagiging isang ina. Gusto mo siyang i-libre ng Strawberry Icecream para may makain ang anak nya. Gusto mo siyang yakapin para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.


Her moving performance can’t uplift the movie. She did her part to make you feel the pain, but the movie only restrains. The execution was like a flat line all through out — that only goes up when Judy Ann takes over.


The scenes were shot with the intention of showing details, and not sharing experiences.


Nagbabarilan sila pero hindi ka tinatamaan.

Nagkwekwentuhan sila pero hindi ka namamangha.

Nagsasayawan sila pero hindi ka madadala.


Seeing this movie is like watching a docu-special... National Geographic presents Mindanao, with special dramatic performance by Judy Ann Santos.


MINDANAO

⭐️


Cast: Judy Ann Santos, Allen Dizon, Yuna Tangod

Presented by: Solar Pictures

Date Released: December 25, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page