top of page

MISSION UNSTAPABOL: THE DON IDENTITY

Mission Unstapabol: The Don Identity (2019)

Directed by: Michael Tuviera


Heto na yata ang movie na may pinaka-maraming plotholes.


Paano ba nahanap ni Vic Sotto ang mga team members nya. Paano nila napag-planuhan ang impossible mission na yun.


Too many questions left unanswered. But the movie is not pretentious as they didn’t even try to answer them. Wala silang pake.


Meron silang kwento na sinusundan from beginning to end. Malinaw ang mission na kelangan gawin. At tatapusin nila ito kahit napaka-imposible nito.


All the impossibilities turned into opportunities to make the people laugh. Tadtad ng plotholes ang pelikula. Pero sa mga butas na yun, naipasok nila ang mga punchlines na nakakatawa.


Madaming eksena si Pokwang dito na nag-work dahil sa paraan ng kilos at pananalita nya. Yung chemistry nya sa grupo ay mabilis nyang nabuo. Kaya mukhang natural lang na lumalabas ang mga jokes nya.


Maine Mendoza had the funniest action scenes here. Seryoso ang mukha nya at akala mo intense ang gagawin, pero dadaan lang pala sa sampayan ng mga underwear. Nakuha nya ang mga simpleng patawa.


Humanda kayo kay Wally Bayola dahil marami syang taong gagayahin dito. Pang best comedy actor sya nung ginaya nya si Bea Alonzo. Kelangan nyong abangan yun kasi sobrang hindi nya kaboses at hindi nya kamukha. Laughtrip lang talaga.


Jake Cuenca doing comedy is pleasantly surprising. Minsan lang sya magkaroon ng role na ganito kakulit, pero bumagay sa kanya. He wasn’t the funniest, but he contributed some laughs to the movie.


Refreshing to see Vic Sotto and Jose Manalo as the main protagonist and antagonist. They just did their usual antics in comedy.


Bawat artista. May kanya-kanyang paraan ng pag-arte at pagpapatawa. At lahat yun nakatulong para mas gumanda ang pelikula.


Hindi man sya kasing ganda ng ibang mga pelikula.

Pero sapat na para gumanda ang araw mo.


MISSION UNSTAPABOL: THE DON IDENTITY

⭐️⭐️


Cast: Vic Sotto, Maine Mendoza, Jose Manalo, Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola

Presented by: APT Entertainment

Date Released: December 25, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page