top of page

MMK: THE MAGUAD FAMILY STORY

MMK — The Maguad Family Story (2025)

Directed by: Onat Diaz


This is a true-to-life story

about a family who adopted a teenager

that eventually became a killer.


Kahit gaano kasakit at kapait, ang istorya ng Maguad ay nararapat pakinggan at panuorin.


Hindi lang mabibigat na emosyon ang nag-uumapaw dito, kundi pati mga makabuluhan na pangaral tungkol sa buhay at sa batas.


Kahit alam mo na kung ano ang mangyayari sa kanila, mararamdaman mo pa rin ang kaba. Unti-unti mong nakikilala si Jasmine. Aabangan mo kung kailan magsisimulang mag-iba ang ihip ng hangin. Nakakatakot malaman ang mga detalye ng pagkamatay.


Nag-iiba ang kulay at ilaw depende sa estado ng mga tao. Magandang nailalarawan ang mga importanteng kaganapan.

Puro highlights ang kadalasang ipinapakita. Dahil dito, hindi sila makagawa ng magandang build up. Aakyat agad ang tensyon at drama. Nakaka-distract ang bigayan ng mga regalo na nagmukhang Christmas Station ID.


Ang husay humugot ng mga emosyon ni Dimples Romana. Hindi siya nagkulang. Nabibigyan niya ng hustisya ang mga eksena.


Malaki ang potential ni Karina Bautista. Effective ang facial expressions na ginagawa niya kapag nananakot siya. Alangin pa ang kanyang mga emosyon kapag intense drama na ang kaganapan.


The acting of Criza Taa is decent but it’s not sincere enough. Miguel Vergara doesn’t do much to be noticed. At times, Joem Bascon’s dramatic moments lack proper direction and guidance. But generally, he's a good actor.


Boses lang ang kadalasang marinig mula kay Charo Santos, ngunit makapangyarihan ang kanyang mga sinasabi. Hindi lang siya basta quotes. Living testament ito dahil alam mong nangyari siya sa totoong buhay.


Nang ipinakita na ang totoong Maguad, hindi mo kakayaning magpigil ng luha. Mula sa kadiliman, bubungad sa’yo ang liwanag na kanilang taglay. Matibay silang simbolo ng katapangan at kabutihan. Patuloy na lumalaban para sa hustisya at para sa pamilya.


Salamat sa pagbahagi ng inyong kwento,

Maguad Family.


🫂


𝑻𝑯𝑬 𝑴𝑨𝑮𝑼𝑨𝑫 𝑭𝑨𝑴𝑰𝑳𝒀 𝑺𝑻𝑶𝑹𝒀

Rating: 4/5


Cast: Dimples Romana, Joem Bascon, Miguel Vergara, Criza Taa, Karina Bautista

Written by: Onat Diaz

Release Date: May 22, 2025 on iWantTFC

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page