top of page

MOMSHIES! ANG SOUL MO'Y AKIN!

Momshies Ang Soul Mo’y Akin (2021)

Directed by: Easy Ferrer


Tatlong babae ang nagkapalit-palit ng katawan sa araw ng kanilang kaarawan.


Nagkapalit-palit sila ng soul, pero paano.

Pares-parehas sila ng birthday, pero bakit.

Magtutulungan daw sila, pero kailan.

May kanya-kanya silang life, pero asan.


Kalimutan mo na lahat ng katanungan,

dahil hindi naman masasagot yan.


The story is not logical. Things happen instantaneously with no good explanation. The screenplay was not able to delve on each of the character’s lives and challenges.


Hindi gaanong pinakita ang buhay ng tatlo bago at pagkatapos nilang magkapalit-palit. Kaya hindi ramdam ang pagbabagong nangyari sa mga buhay nila.


Hindi rin nagkaroon nang maayos na daloy ang kanilang pagtutulungan. Wala masyadong paghahanda at pag-uusap, pero alam na nila agad ang gagawin.


Gayunpaman, umuusad naman ang istorya kahit puro sila patawa. Nakakaaliw pa rin ang palabas dahil sa mga artista.


The only element in this movie worth anticipating and witnessing are the performances of the cast. Papasayahin ng mga momshies ang araw mo.


Mapapahalakhak ka sa panggagaya ni Karla Estrada kay Jolina. Bigatin at pangmalakasan ang taglay niyang alindog. Mapapatawa ka sa pananalita ni Melai Cantiveros. Seryoso siya sa kanyang pagiging sosyalerang englishera. Mapapangiti ka sa dedikasyon na binibigay ni Jolina Magdangal, kahit hindi masyadong benta ang kanyang panggagaya kay Melai.


The supporting cast gave the same level of energy as the leads. Miko Gallardo’s potrayal is weirdly effective, making him noticeable in a funny way.


The ensemble made this movie hilarious and entertaining—with no dull moment from start to end. Each one of them gave an all-out performance. The production colors based on the characters are vibrant, amplifying the positive vibes.


Bringing fun times and endless laughs, this movie serves its purpose. It succeeded being a comedy, but needs improvement on all the other aspects.


MOMSHIES! ANG SOUL MO'Y AKIN!

⭐️⭐️


Cast: Karla Estrada, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Miko Gallardo, Thou Reyes, Manual Chua, Jhai’Ho, Jason Francisco, Mitoy Yonting, Pia Moran, Eris Aragoza, Johannes Rissler, Juliana Parizcova-Segovia, Francis Mata

Presented by: Star Cinema

Date Released: May 28, 2021 via www.KTX.ph, iWant, SKY PPV, Cignal PPV, TFC IPTV, Upstream PH

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page