top of page

MUDRASTA

Updated: Aug 24

Mudrasta: Ang Beking Ina! (2025)

Directed by: Julius Alfonso

ree

Nakakatuwa na sobrang taas ng energy ni Roderick Paulate. Pero kalaunan, ikaw na rin ang mapapagod para sa kanya.


Halos dalawang oras siyang nagpapakitang-gilas. Sariling sikap niyang binubuhat ang pelikula. Nakakasawang panuorin dahil paulit-ulit lang ang style ng comedy mula simula hanggang dulo. May iilan na nakakatawa, pero ang karamihan ay waley na.


Kulang sa bigat ang karakter. Parang ang main purpose lang niya sa buhay ay magpatawa. Kahit seryoso ang eksena, magbibitaw pa rin siya ng jokes. Wala siyang gaanong nasasabi sa mga bagay-bagay.

Hindi maganda ang flow at ang editing. Isang oras nag-aaway ang mga karakter, tapos nagkakabati agad sa dulo dahil ending na. Ang joketime ng blogger era. Ambilis sumikat kahit ang lame ng content.


Hindi convincing ang love story nila Roderick Paulate at Tonton Rodriguez. Konting kembot lang, nagmamahalan na raw sila. Hindi ramdam ang sinseridad sa kanilang ginagawa. Labas sa ilong ang mga linyahan. Wala rin masyadong emosyon na naibibigay si Elmo Magalona.


Ang lungkot tingnan ng production design at cinematography. Kahit magsuot sila ng colorful costumes, wala pa rin itong buhay. Kahit sumayaw sila ng jolly song, hindi masayang pakinggan ang musika. Hindi pang-sinehan ang quality na nagawa nila.


Ang pagiging beking ina ay hindi lumitaw. Walang samahan na nabubuo sa paggitan ng mga cast. Sobrang liit ng effort para paglapitin ang pamilya. Kanya-kanya at kalat-kalat sila rito. Mas nakatuon ang spotlight sa mismong bida. Welcome to The Roderick Paulate Show!

𝑴𝑼𝑫𝑹𝑨𝑺𝑻𝑨: 𝑨𝑵𝑮 𝑩𝑬𝑲𝑰𝑵𝑮 𝑰𝑵𝑨!

Cast: Roderick Paulate, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Awra Briguela, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Celia Rodriguez

Written by: Joni Mones Fontanos

Presented by: CreaZion Studios

Release Date: August 20, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page