top of page

NAGALIT ANG PATAY SA HABA NG LAMAY DA RESBAK

Nagalit Ang Patay Sa Haba Ng Lamay

Da Resbak (2023)

Directed by: Karlo Conge Montero & Zaldy Munda


Pinagkakitaan nila ang lamay.

Kaya nagalit ang patay.

Walang sense ang takbo ng istorya.

Kaya naging nakakatawa na siya.

Nag-welga bigla ang mga Patay tapos sabi nila “Maki-bangon, Huwag matakot”. Ang ganda sana ng juxtaposition pero wala nang nangyayari pagkatapos nun. Hindi nabigyan ng katarungan ang mga Patay. Wala ring kwenta ang love story. Wala ring resolusyon sa kawalan ng trabaho ng mga bida.


Slapstick comedy overload ang pelikula. Palaban ang mga ekstra. Merong nag acting no acting ala Jaclyn Jose. Meron ding nag TV Patrol acting ala Eugene Domingo. Sa buong cast, si Danny Pansalin ang pinaka-nakakatawa.

Consistent na malabo ang video quality. Nag-iiba ang resolution kada eksena. Hindi sakto ang audio dubbing. Kung sinu-sinong boses na lang ang ginagamit nila. Ang scoring ay kasing-tugtugan ng mga disco bar sa kanto.


May sanggol na ipinakita pero halatang manika. Ang lamya ng mga fight scenes. Masyadong peke ang eksena sa classroom kung saan lahat ng estudyante ay alam ang sagot sa recitation.


Andaming red flags pero kunwari hindi natin nakikita. Dalawang Direktor ba naman ang nagsanib-pwersa upang muling paglaruan ang Pelikulang Pilipino… Ano pa ba ang hihilingin natin?


From the infamous Philippine movies 𝘚𝘢 𝘒𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 and 𝘛𝘳𝘪𝘤𝘺𝘤𝘭𝘦 𝘋𝘳𝘪𝘷𝘦𝘳 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢 𝘔𝘰… here comes another pambababoy supremacy for the Philippine Cinema in the infinity level.

Habaan ang pasensya sa pelikulang ito

upang hindi magalit sa kapangitan

at matuwa na lang sa kababawan.

NAGALIT ANG PATAY SA HABA NG LAMAY DA RESBAK

Rating: -♾️/5


Cast: Alfred Montero, Jeric Raval, Ricardo Cepeda, Rey PJ Abellana, Mike Pekto, Ali Forbes, Aurora Sevilla, Zabrina M., Juliana Pariscova, Amay Bisaya, Awra Briguela, Danny Pansalin

Presented by: White Eagle Film Production

Date Released: November 8, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page