top of page

NASAAN SI HESUS

Nasaan Si Hesus (2025)

Directed by: Dennis Marasigan

ree

Kapag merong Hesus sa pamagat ng pelikula, ang hirap magsabi ng masasamang words. Na para bang bawas ligtas points kapag napangitan ka.


Unang eksena pa lang, meron na kaagad silang explanation kung tungkol saan ang mapapanuod mo. Ginawan nila ng summary ang buong pelikula. Kalagitnaan, merong actual na PowerPoint Presentation with fade in fade out text animation. Nakasulat dun kung anong nangyayari sa bansa natin.


Sana in-email na lang nila yung PPT slides,

imbes na nagpa-meeting pa sa mga sinehan.

Musical itong palabas. Nakakalito at walang chemistry ang casting. Pinaghalong Vivamax artists, character actors at theater performers. Hindi lahat okay kumanta. Merong sumisigaw na masakit sa tenga.


Nakakaawa yung ibang legit na singers. Tinipid ang paggawa sa mga eksena. Parang pinagkasya lang ang budget sa 500 pesos kahit hindi naman talaga kaya. Mas mababa pa sa bare minimum ang hitsura ng mga production numbers.


Sashay away ang ilang lip sync performances. Hindi tugma ang mga emosyon sa mga high notes. Bumibirit na ang boses, pero naka-poker face pa rin sila.


Walang flow. Shuffled playlist lang siya ng mga music videos na may kanya-kanyang backstories. Magbabanggit sila ng mga problema sa lyrics. Bago matapos ang kanta, namulat na sila. Instant realization sa mga nangyayari.


Habang pinapanuod ang lahat ng ito,

hindi si Hesus ang hahanapin mo

kundi ang direktor, writer, at ang producer.


Nasaan sila,

at pumanget ng ganito ang pelikula?


𝐍𝐀𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐈 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒

Cast: Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Janno Gibbs, Bembol Roco, Rachel Gabreza, Salome Salvi, Chloe Jenna, Emil Sandoval, Jerald Napoles, Marissa Sanchez, Gianni Sarita

Screenplay by: Dennis Marasigan

Original Songs by: Bing Pimentel

Presented by: Balin Remejus, Great Media Productions

Release Date: December 3, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page