NEAR DEATH
- goldwinreviews

- Oct 30
- 2 min read
Near Death (Sine Sindak 2025)
Directed by: Richard Somes

Hindi madaling pag-usapan ang suicide. Ngunit dito sa pelikula, napaka-casual nila itong sinasabi. Na para bang bibigyan nila ng halaga ang buhay.
Panay paalala na huwag magpakamatay, ngunit halos wala rin silang nagagawa para alalayan ang bida.
Naglagay sila ng support group sa simula, pero para silang nasa acting audition. Naging Ogie Diaz workshop na ang datingan. Pagkatapos nun, wala na ring nangyari sa grupo.
Nakakabahala ang ginawa nilang ending. Parang hindi siya angkop sa R-13. Sensitibo ang kanilang paksa, ngunit hindi naingatan kung paano nila ito talakayin.
May ilang elemento na inilagay para mas katakutan ang nangyayari, pero hindi na siya umusad at lumawak pa. Hindi malikhain ang paraan ng pananakot. Paulit-ulit ang naging atake. Dinadaan na lang sa gulatan at madilim na eksena.
May karakter na akala mo importante, ngunit isang beses lang nagpakita. May ibang karakter din na maayos magsalita, ngunit kulang sa gawa. Bigla rin silang nawawala. Hindi nila kayang panindigan ang kanilang mga sinasabi.
Pangmalakasan ang kahusayan ni Charlie Dizon. Randam na ramdam ang bawat buga ng kanyang salita. Umaapaw ang mga emosyon. Sa pamamagitan lamang ng isang eksena, naipadama lahat ni Xyriel Manabat ang pinagdaanan ng kanyang karakter.
Bagay na magkapatid ang dalawang ito dahil todo-bigay silang pareho pagdating sa aktingan. Sayang lang dahil ang kaunti ng eksenang magkasama sila at dahil hindi rin maganda ang pelikula.
Sayang dahil malaking mundo sana ang pwede nilang mabuksan at mapuntahan kaugay ng kanilang kwento, ngunit bigo silang ipamahagi ito.
The concept about the 𝘕𝘦𝘢𝘳 𝘋𝘦𝘢𝘵𝘩 experience isn’t fully explored, only leading to a 𝘕𝘦𝘢𝘳 𝘚𝘭𝘦𝘦𝘱𝘪𝘯𝘨 movie experience.
𝑵𝑬𝑨𝑹 𝑫𝑬𝑨𝑻𝑯
Cast: Charlie Dizon, Xyriel Manabat, RK Bagatsing, Rosh Barman, Soliman Cruz, Lotlot De Leon
Story by: Richard Somes
Screenplay: Jim Flores, Richard Somes
Presented by: Diamond Productions
Release Date: October 29 to November 4, 2025 for Sine Sindak
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments