top of page

ONE HIT WONDER

One Hit Wonder (2025)

Written & Directed by: Marla Ancheta

ree

Ang ganda ng simula. Tungkol sa music. Tungkol sa pangarap. Mabilis kapitan. May kantahan. Nostalgic songs. Pero habang umuusad ang pelikula, nag-iiba ang ihip ng hangin.


Naisantabi ang mga kanta. Background music na lang siya. Ang songwriting process ay nawawala. Nagkakaroon ng demo at show kahit wala silang practice.


Imbes na mapalapit ka sa mga karakter, hindi mo na sila nakikilala dahil iba ang sinasabi ng script kumpara sa laman ng kanilang puso. Kulang pa sa mga eksena upang mas maramdaman at maintindihan ang kanilang mga desisyon. Ang hirap sakyan ng conflict at ng ending.

Andaming supporting cast at cameo na nasasayang. Sikat na singer ang papel ni Vivoree rito, ngunit hindi siya nagkaroon ng usapan tungkol sa music industry na balak pasukin ng mga bida.


Madalas banggitin ang pamilya, pero mahina ang mga eksenang nagagawa para kina Romnick Sarmenta, Lilet Esteban at Gladys Reyes. Marami pang kayang ibigay sina Donna Cariaga at Alex Calleja maliban sa magpatawa. Ang mga bandmates ay nabalewala.


Masyadong umasa ang pelikula sa nostalgia. Malaking tulong ang color grading, editing, production design, at music upang balikan ang nakaraan. Ngunit hanggang panlabas na anyo lamang ang kaya nitong ibigay. Pagdating sa pagkwento, ito’y sumasablay.


Their scenes aren’t wonderful enough

to make their songs truly a hit.


𝑶𝑵𝑬 𝑯𝑰𝑻 𝑾𝑶𝑵𝑫𝑬𝑹

Cast: Sue Ramirez, Khalil Ramos, Vivoree Esclito, Gladys Reyes, Victor Medina, Dawit Tabonares, Matt Lozano, Alex Calleja, Romnick Sarmenta

Presented by: Lucid Dreams Creatives

Release Date: August 21, 2025 on Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page