OUT OF ORDER
- goldwinreviews
- Oct 3
- 1 min read
Updated: Oct 5
Out Of Order (2025)
Directed by: Richard Faulkerson Jr.

True to its title, the movie is indeed out of order.
Ang gulo ng mood. Paiba-iba ng genre. Hindi mo alam kung sitcom ba siya, drama, thriller, o romcom. Nakakawalang-gana panuorin dahil hindi mo alam kung anong direksyon ang tinatahak nito.
Mabigat dapat ang mga eksena, pero may gana pa silang magpatawa at makipaglandian. Ang hirap tuloy seryosohin.
Ang pangunahing karakter ay isang napaka-incompetent na lawyer. Halos lahat ng ebidensya ay lumalapit na lang sa kanya. Hindi mo alam kung paano sila magtrabaho. Kaunting usap-usap lang, tapos mabilisan na nilang nagagawa ang lahat.
Kulang-kulang ang mga eksena. Ang mga importanteng impormasyon ay sasabihin na lang nila. Biglang may ipapasok na flashbacks. Biglang may mangyayaring plot twists. Tumatalon ang flow. Walang nabubuong excitement sa kung anong mangyayari. Hindi cohesive ang storytelling.
Dahil hindi sapat ang mga ipinapakita nila, nilagyan na lang ng musical scoring—na hindi rin nakatulong upang madala ka sa mga eksena at sa mga karakter.
Mula sa pamilya, kaibigan at pag-ibig, hindi sila makabuo ng magandang relasyon. Kung may naiwan mang ala-ala ang pelikula, yun ay ang pagiging watak watak nito.
From start to finish, pinanindigan talaga nito ang pagiging 𝘖𝘶𝘵 𝘰𝘧 𝘖𝘳𝘥𝘦𝘳.
𝑶𝑼𝑻 𝑶𝑭 𝑶𝑹𝑫𝑬𝑹
Cast: Alden Richards, Heaven Peralejo, Nonie Buencamino, Soliman Cruz, Nicco Manalo, Joyce Ching, Andrea Del Rosario, Francine Garcia, Yayo Aguila
Written by: Randy Villanueva, Atty. Karen Lustica
Presented by: Viva Films, Myriad Entertainment, Studio Viva
Release Date: October 2, 2025 on Netflix
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments