OUTSIDE DE FAMILIA
- goldwinreviews
- Aug 29
- 2 min read
Outside De Familia (2025)
Written & Directed by: Joven Tan

Andaming montage. Nakakaumay na scoring. Hindi maayos ang flow. Tumatalon ang mga eksena. Nakakagulat ang nag-iibang color grading. Parang gusto ng sumuko ng editor. Sobrang tight ng mga shots.
In terms of technicalities, the film may falter. But when it comes to scenes that matter the most, they can deliver.
Ang sarap panuorin ni Ruby Ruiz. Kahit anong sabihin niya, makikinig ka. Mabigat man o magaan ang usapan, nabibigyan niya ng buhay at hustisya.
Binigyan ng boses ni Sheila Francisco ang mensahe ng pelikula. Nung kinanta niya ang “Kailangan Kita”, ramdam ang bawat linya. Tumatagos sa puso.
Nakabuo ng magandang samahan ang dalawang bidang ito. Kahit parehas silang senior, naipakita na meron pa rin silang pagkakaiba at pagkakapareha. Naghahalong lungkot at saya ang dulot ng mga eksena.
Mabilis mo silang mauunawaan dahil lahat tayo ay may nanay at lola sa buhay. Lahat tayo ay tumatanda rin. Mula sa font size ng cellphone hanggang sa sugar level, mapapa-isip ka kung saan ka nabibilang.
Madaldal sila, pero sana ay mas marami pa silang napag-usapan. Karamihan sa natatalakay nila ay bahagya lamang. May mga problema na kusa na lang nareresolba. Biglang babait na lang ang mga tao. Hindi gaanong nagagamit ang ibang karakter.
Masakit tanggapin ang ilang mga kaganapan, pero nagkaroon ito ng tatak. Ang sakit ay nagsilbing aral.
Patong patong man ang kapintasan para sa mismong pelikula. Ngunit pagdating sa huli, nanaig pa rin ang kanilang mensahe. Napahalagahan pa rin ang pamilya.
Mula sa pagiging outsider na nakamata sa bawat maling hakbang nila, nakapasok ka sa kanilang tahanan upang yakapin ang ganda na nakapaloob dito.
Kilalanin natin ang pamilyang ito.
Hindi ito nalalayo sa atin.
𝑶𝑼𝑻𝑺𝑰𝑫𝑬 𝑫𝑬 𝑭𝑨𝑴𝑰𝑳𝑰𝑨
Cast: Ruby Ruiz, Sheila Francisco, Gelli De Belen, Dwayne Garcia, Adrian Alandy, Matet De Leon, Peewee O’Hara, Rey PJ Abellana
Release Date: August 27, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments