top of page

PALITAN

Palitan (2021)

Directed by: Brillante Mendoza


Dalawang magkasintahan na ikakasal na.

Ngunit nagdadalawang-isip pa rin.


Dito papasok ang kanilang “Palitan”.


Bagamat mukhang malaswa ang pamagat at ang hitsura ng pelikula… Hindi nakatutok sa mga sexy scenes ang istorya. Hindi puro kalaswaan ang makikita mo sa mga bida.


Maayos ang iilang mga eksena. Kung saan pinapakita ang mga preperasyon bago ikasal. Kung saan pinapakita ang pagka-sagrado nito.


Ramdam mo ang suporta na binibigay ng kanya-kanyang pamilya at kaibigan ng bawat karakter.


Aside from the sacred family traditions, they also try to show the values and scars tied with every character.


You know that these challenges are happening in the real life. That’s why you can easily understand what they’re going through.


The flow of the story is simple. Sometimes, it feels like a documentary for the dialogues are raw and natural, most especially when the family members are talking to each other.


However, the execution can go from being authentic to dull.


Hindi mo maramdaman ang mga eksena. Kulang sa emosyon. Kulang sa presensya.


Kahit mabigat na ang sitwasyon at may nag-iiyakan na, hindi pa rin nakakadala.


May potensyal ang apat na bida sa pag-arte. Ngunit hindi nila gaanong nabigyan ng hustisya ang kanilang mga karakter.


The role is too big for them to carry.


The movie is heavily dependent on the characters, yet the actors are not quite dependable.


While both the execution and the actors lack a strong voice, the story managed to give provoking thoughts at the end.


Anong klaseng kasalan ba ang gusto mong matunghayan…


Palitan ng sumpaan?

O palitan ng kasinungalingan?


PALITAN

⭐️⭐️


Cast: Cara Gonzales, Jela Cuenca, Rash Flores, Luis Hontiveros

Presented by: Viva Films

Date Released: December 10, 2021 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page