top of page

POON

14 hours ago
2 min read

Updated: 3 hours ago

Poon: The Hallowed (2026)

Directed by: Adolfo Alix Jr.

 

A highly promising symbolic horror figure emerges in this movie because of its eerie look. But what makes it even more promising is how deeply it is rooted in Filipino tradition and religion.


Meron siyang nakakakilabot na presensya. Mukha siyang malakas at makapangyarihan. Nakakatakot nung una siyang nagpakita. Pero pagkatapos nun, halos wala na siyang ginawa sa pelikula — kundi ang mamasyal at mag-model-modelan sa bahay. Hindi siya nabigyan ng magandang istorya.


Hindi napaglaruan ang tema. Ang liit ng oras na inilaan para ipakilala ang ibang mga poon. Maliban dun, literal na naging display na lang sila at hindi napakinabangan.

Tulad ng mga poon na hindi gumagalaw, ang istorya ay hindi rin gaanong umuusad. Kakarampot lang ang ibinibigay na impormasyon. Kung meron man, hindi nila nagagamit sa mga eksena.


Missed opportunity na paglaruan ang faith at religion. Lahat sana ng karakter ay pwedeng paghinalaan at gawan ng motive, pero parang tinamad na silang palawakin at tapusin ang kwento.


Patalon-talon ang flow. Biglaang nagkaroon ng spirit of the glass. Wala man lang preparation at aftermath. May harassment na nangyari, pero hindi napag-usapan. May siningit na side love story out of nowhere, pero parang mema na lang.

Hindi mukhang magkaka-mag-anak ang mga karakter. Parang pinagsama-sama lang sila sa iisang bahay. Walang rapport.


Ang funny nung nagjajakol si Joao Constancia, tapos may nakatingin na poon sa kanya. Ang meta nung usapang mana tapos kasama si Lotlot De Leon. May potensyal sana ang ilang eksena, pero hindi napanindigan.


Hindi masyadong nausisa ang sleepwalking skills ni ate. Nakahubad sa damuhan si kuya, pero wala rin naman din siyang naging ambag. Merong karakter na highblood parati. Walang napuntahan ang away ng magkakapatid. May pulis na nag-iimbestiga, pero hindi na nasundan.

Ang tahimik sa simula, tapos pagdating sa huli, biglang ang haba na ng mga sinasabi. Dahil matatapos na ang pelikula, isang bagsakan binunyag lahat ng sikreto at plottwist sa dulo.


Nakakaantok tingnan ang color grading. Bumagay sa mood ng pelikula dahil nakakabagot din siyang panoorin. Kung anu-anong sinisimulan nila, pero hindi nila maayos na tinatapos. Nauudlot ang mga pananakot.


Sayang talaga dahil may potensyal sana ang pelikula, ngunit pinalagpas nila lahat ng ito. Sa huli, hindi poon ang mangingibabaw kundi poot.


𝐏𝐎𝐎𝐍: 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐃

Cast: Gina Pareño, Jaclyn Jose, Ronaldo Valdez, Janice de Belen, Lotlot de Leon, Ara Mina, Allen Dizon, Bembol Roco, JC de Vera, Martin del Rosario, Will Ashley, Kelvin Miranda, Althea Ablan, Joao Constancia

Screenplay by: Jerry B. Grácio

Presented by: C-Frame Production, Banana Entertainment Inc.

Release Date: September 9, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews 

 


2 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
C.BIKE
4 minutes ago
Rated 5 out of 5 stars.

Like

lady.philia12
22 minutes ago
Rated 5 out of 5 stars.

Sa simula, medyo confusing yung mga scenes, pero naging clear din nung na-reveal yung plot twist at kung ano talaga ang nangyari.


Naipakita ng movie ang realidad sa maraming pamilya, minsan na-invalidate o iniiwasan natin yung mga usapin sa bahay para lang walang gulo o dahil sa takot.


Yung violence sa kwento, proof yon evil spirit, na ginamit pa pati religious statues para manglinlang, at napaka-relevant nito sa Katolikong bansa tulad ng Pilipinas. The movie was good for me, kasi pinapakita nito na kahit gaano ka pa karelihiyoso, kapag nagpadaig ka sa masama at mahina ang pananampalataya, pwede ka pa ring makagawa ng kasalanan o krimen.

Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page