top of page

PUSHCART TALES

Pushcart Tales (PCPFF 2024)

Written & Directed by: Sigrid Andrea Bernardo


6 people are trapped inside a grocery store.

Each one of them shares a tale of their lives.


The stories are different from one another, but all of them are relatable. The experiences are unique to every character, but the struggles are universal.


Minsan kapag may problema ang isang tao, hindi mo kailangan bigyan agad ng solusyon. Minsan, kailangan mo lang makinig. Ipahiram mo ang tenga mo sa pelikulang ito.


Malaking bagay ang pakikinig para mas maunawaan mo sila. May mga linya silang inuulit-ulit, at mas nagiging malalim ito sa kanilang bawat sambit.


Magaan sa simula at unti-unting nagkakaroon ng bigat. Unti-unting napupuno ang pushcart. Nahihila ka papalapit sa kanila. Hindi mo na lang sila naiintindihan… Nararamdaman mo na sila.


Higit pa sa anim na isyu ang naibahagi. Lahat mabibigat. Lahat ay ibinuhos ang kanilang sama ng luob. Nakakalunod pero masarap sa pakiramadam kapag ikaw ay nakaahon.


The movie has only 1 location, but it takes us to different situations. There are only 6 actors, but the characters are beyond numbers.


Due to its one location setting, it can be adapted to a play. Some parts are better acted on stage, yet seeing it on big screen has its own beauty as well.


The plot and the plottwists seem improbable but not totally impossible. The flow could’ve been better. There are some terms that they are deliberately using for them to arrive at their desired ending. Nonetheless, the movie’s ending is cathartic and satisfying.


Every actor in this film is worthy of a mention. Shamaine Buencamino is a queen who reigns in her own right. Harvey Bautista rocks. Carlos Siguion-Reyna was unforgettable. Therese Malvar is killing it. Elora Españo slayed. Nonie Buencamino is outstanding. This ensemble deserves a round of applause.


This movie is part of the Puregold film festival and the shooting location was entirely inside Puregold. With or without this trivia, the screenplay is already a winning piece on its own.


Panalo ang mga linyahan. Alam mong isinulat ng Pinoy para sa Pinoy. Ang mga kwento ay hindi dayuhan sa iyong pakiramdam. Siksik sa laman ang 𝘱𝘶𝘴𝘩𝘤𝘢𝘳𝘵 na ito. Push lang nang push sa buhay.


Ang pelikulang ito ay kailangan mong i-add to cart.

Check out na sa sinehan.


PUSHCART TALES

⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Nonie Buencamino, Teri Malvar, Elora Españo, Carlos Siguion-Reyna, Harvey Bautista, Shamaine Centenera Buencamino

Presented by: WAF Studios, Puregold CinePanalo Film Festival 2024

Release Date: March 15 to 19, 2024 at Gateway Cineplex 18, Araneta City, Cubao

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  4

Emotions:  5

Screenplay:  4.5

Technical:  3.9

Message:  4


AVERAGE SCORE

Pushcart Tales:  4.28

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page