RANKING FOR QCINEMA 2023 QCSHORTS
1. MICROPLASTICS (Lino Balmes)
- Walang linya. Pero dahil sa scoring, sa visuals, at sa acting, nasabi nila kung paano mabuhay ang bidang karakter. The character’s name is “Hero” which is clever and appropriate for the plot. The film is open to many interpretations, but the major message remains the same. Like microplastics, the film has pocket scenarios that seem harmless at a glance, but when accumulated, they’re really harmful in the long run.
2. ANIMAL LOVERS (Aedrian Araojo)
- Showing the concept was given more importance than establishing the relationship. Makulit ang pagkakagawa. Nakakagulat sa una, pero naging normal na lang sa huli dahil hindi malayo sa realidad. Masahol ang representation sa mga relasyon. Kasing sahol ng sa mga hayop. Katanggap-tanggap kapag sinabihan mo ang pelikulang ito ng “mga hayop kayo!”.
3. A CATHOLIC SCHOOLGIRL (Myra Angeline Soriaso)
- The film can spark a discussion.
But the characters don’t have a connection.
Andiyan lang siya para pag-usapan
at hindi para maunawaan.
4. ABUTAN MAN TAYO NG HOUSELIGHTS (Apa Agbayani)
- Ganda sana ng title at ng huling eksena, pero masyadong pilit. Kulang sa sinserong usapan. Pang-teatro ang aktingan. Alam mong nasa harap sila ng kamera at umaarte lang sila.
5. TUMATAWA, UMIIYAK (Che Tagyamon)
- Hindi nakakatawa. Hindi nakaka-iyak.
Puro salita. Kulang sa emosyon.
6. TAMGOHOY (Roxlee)
- Hindi maganda ang kwento. Ampanget ng quality. Hindi alam kung saan naka-focus ang kamera. Paiba-iba ang ginagamit na visuals. Halatang ekstra ang mga ekstra. Kawawa si Ronnie Lazaro dahil mukhang pinag-tripan lang siya rito.
Date Released: November 17-26, 2023 for QCinema Special Screenings
Movie Review Ranking by: Goldwin Reviews
Comments