RAPSA
- goldwinreviews
- May 14
- 1 min read
Rapsa (VMX 2025)
Directed by: Topel Lee

A coffee shop has been the haven for orgy activities and abusive relationships.
Lahat ng bawal gawin sa workplace ay nandito na. Power tripper ang boss. Nagsuot ng bikini sa opisina. Ang mga empleyado ay nakipagsex sa kitchen at sa banyo. Hilig makipaglandian sa customer. Tadtad ng sexual harassment at power dynamics ang pelikula.
Hindi na sila nagtratrabaho. Hindi makatotohanan ang mga nangyayari. Walang effort na magkwento. Puro sex fantasies na lang ang ipinapakita. Halatang naiilang ang mga artista sa mga posisyon na ginagawa nila.
Ang sagwa ng pagkakatimpla sa istorya. Ang pilit ng pagkakahalintulad ng coffee sa mga linya. Ang mga karakter ay naging kasangkapan para sa kababuyan.
Meron sanang namumuong chemistry sina Micaella Raz at JD Aguas, pero dahil sa sobrang chaka ng mga nangyayari, hindi mo na magawang i-ship ang dalawa.
Sa pelikulang ito, hindi sapat ang collab at duo.
Umabot pa sila sa tatluhan at apatan.
Hindi na ito rapsa kundi umay levels na.
𝑹𝑨𝑷𝑺𝑨
Rating: -1/5
Cast: Micaella Raz, JD Aguas, Vern Kaye, Sheina Yu, Alona Navarro
Screenplay by: Frederick Castro
Presented by: Infinity Talent Management
Release Date: May 2, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
留言