top of page

ROOKIE

Rookie (Cinemalaya 2023) Directed by: Samantha Lee


Ace and Jana are both part of a volleyball team. Then eventually, they become a love team.


This film has all the ingredients of a typical romcom. Cliché as what they say. But when the formula is used right, then we are in for a ride.


Dinala nila tayo sa kanilang mundo. Kasama natin sila sa paglalakbay.


Nung una, pa-ngiti-ngiti ka lang kasabay ng mga karakter. Hanggang sa hindi mo namamalayan, humihiyaw ka na pala. Parte ka na ng cheering squad nila.


Habang nagpa-pratice sila ng volleyball, nag-wa-warm-up ang iyong feelings. Nang hinampas nila ang bola, tinamaan ka na pala. Dahil sa kilig, napapahampas ka na rin sa iba. Parte ka na ng fans club nila.


Magaan ang pagpasa nila sa’yo ng mga leksyon. Nakapagbigay sila ng katapangan na maaari mong magamit sa totoong buhay. Inspirasyon ang dulot ng pelikulang ito. Parte ka ng kwentong ito.


You feel safe with this film. They make you feel welcome. Almost everyone is doing their part in the community. All the problems are easily solved. No heavy challenges along the way.


This is too good to be true. This is not the world we live in.


Do we go back to the real world?


Either way, it’s nice to have a vision of a better place. It feels good to let go of your worries. Fun-fun lang, at samahan mo na rin ng pagmamahal.


Mapa-rookie ka man o expert sa pag-ibig, hindi maitatangging masarap ma-inlove. Kahit sa pelikula man lang, nagkaroon tayo ng masayang mundo na walang makaka-agaw mula sa atin.

Mine!


ROOKIE

⭐️⭐️⭐️⭐️ Cast: Pat Tingjuy, Aya Fernandez, Mikoy Morales, Agot Isidro Presented by: Cinemalaya 2023, Project 8 Projects, ANIMA Studios Date Released: August 5, 2023 at the PICC A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page