ROSARIO
- 5 hours ago
- 2 min read
Rosario (2026)
Written & Directed by: Roni Benaid

Wala namang nakapagsabi na slowburn drama pala itong palabas na ito. 50 minutes nang nakakalipas, wala pa ring nakakatakot na eksena. Aantukin ka na lang kakahintay.
Tapos nung finally may lumabas ng entity para manakot, parang normal na tao lang ang hitsura niya. Naka itim na belo lang siya na naglalakad. Wow salamat naman sa effort. Nag-abala pa siya talagang manakot.
Joketime ang mga death scene. Namamatay ang karamihan ng karakter dahil sa katangahan nila. Panay sabi na mag-ingat, pero hindi nila magawa. Kung hindi sila nabangga ng sasakyan, madadapa lang sila o mauuntog sa tabi tapos patay na kaagad.
Laughtrip yung printer na ginawang bunganga. Napaka-inefficient ng hukay scene. Antagal nilang maghukay kasi pinaalis nila ang mga staff. Walang dating ang make up ng kalaban. Parang pupunta lang siya sa party. Ang hina niyang tingnan. Mas malakas pa ang sound effects.
Ang lamya panoorin ng mga bida. Kahit nasa panganib na sila, ambagal pa rin nilong kumilos. Kahit patay na ang mga mahal nila sa buhay, parang wala lang sa kanila.
Walang maramdaman mula kay Yumi Garcia. Kulang sa facial expressions si Aubrey Caraan. Hindi masyadong nagamit si Rose Van Ginkel. Intense umarte si Meg Imperial. Bagay sa drama si Jairus Aquino. Bigla-bigla na lang sumusulpot si Lance Carr.
Hindi takot kundi awkward at weird lang ang mga nangyayari. Out of nowhere, meron isang babae na lumabas at nag-reveal ng sikreto sa pamilya. Ibang level ang amats niya dahil nagagalit din siya sa ex niya na mas piniling abutin ang pangarap.
Palaisipan kung paano nila natunton at nakilala ang Rosary seller. Hindi masyadong napag-usapan ang pamahiin kaugay sa Rosario. Mema lang ang intro scene. Ang cringe ng ending na para bang may balak pa silang sundan ang kalokohang ito.
Pagkatapos ng limang linggong panunuyot ng Pelikulang Pilipino sa sinehan, narito ang 𝘙𝘰𝘴𝘢𝘳𝘪𝘰 na sinubukang putulin ang sumpa. Ngunit pagkatapos itong panoorin, tila nagpatuloy lang ang sumpa. Mas mainam kung ipinalabas na lang ito sa free streaming app na pwedeng i-fast-forward.
Hindi pang-big screen ang pagkakuha sa mga eksena. Walang redeeming quality ang kwento. Kung paano ito nakarating sa sinehan ay mananatiling misteryo.
Kahit mag-Rosario pa, walang dasal ang makakasagip sa pelikulang ito mula sa kapangitan.
𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐈𝐎
Cast: Aubrey Caraan, Lance Carr, Yumi Garcia, Jairus Aquino, Meg Imperial, Suzette Ranillo, Bernadette Allyson, Rolando Inocencio, Rose Van Ginkel
Presented by: Viva Films
Release Date: August 5, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
