top of page

SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN

Updated: Apr 20

Samahan Ng Mga Makasalanan (2025)

Directed by: Benedict Mique

ree

Effective si David Licauco sa ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ขย ๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ขย ๐˜ข๐˜ตย ๐˜๐˜ฃ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ข. Nagawa niyang magpakilig sa ๐˜›๐˜ฉ๐˜ข๐˜ตย ๐˜’๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅย ๐˜ฐ๐˜งย ๐˜“๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ. Kaya niyang magdrama sa ๐˜ž๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ตย ๐˜ ๐˜ฐ๐˜ถ. Ngunit pagdating sa pelikulang ito, kinulang ang kanyang acting skill. Hindi bagay sa kanya ang role. Hindi siya convincing.


Hindi mo siya makapitan. Hindi tumatagos sa puso ang kanyang mga sinasabi. Hindi mo kayang seryosohin ang kanyang mga payo at adhikain.


Walang samahan at chemistry na nabubuo sa paggitan ng mga cast. Kapos sila sa pagbahagi ng pinagdaraanan ng bawat karakter. Puro shortcut ang nangyayari. Nag-enumerate lang sila ng mga success stories.


Masyadong minadali ang pagkwento, kung kayaโ€™t hindi ramdam ang paghihirap at pagsisikap ng mga karakter. Hindi ka konektado sa pinaggagawa nila.


Ang hilig nilang magpatawa pero hindi siya nakakatawa. Sablay ang karamihan sa mga jokes. Hindi maganda ang delivery.

Hindi patok ang mga banat nina Buboy Villar at Liezel Lopez. Need pang mag-acting workshop nina Christian Singson at Liana Mae. Hindi nasulit ang husay nina Joel Torre, Betong Sumaya at Soliman Cruz. Matino ang naging pagganap nina Yian Gabriel at Sanya Lopez. Nagdulot ng liwanag ang presensya ni Euwenn Mikaell.


Malakas ang dating ni Chariz Solomon at hindi ito chariz. Kahit maiksi lang ang kanyang eksena, nakapag-iwan siya ng marka. Her wit and talent should be taken seriously. Itโ€™s not a prank. Sheโ€™s the real deal. Walang hiya na ipinakita ni David Shouder ang kanyang magaan ng personality at charm. Silang dalawa ang nagbigay ng buhay sa pelikula.


Hindi consistent ang cinematography. Minsan ay naipapakita nito ang ganda ng Vigan, Ilocos Sur. Minsaโ€™y malabo ang mga kuha.


Ang consistent sa pelikulang ito ay ang kanilang hangarin na maghatid ng mabuting mensahe para sa manunuod. Nanatili silang tapat sa kanilang intensyon. Hindi sila sumuko.


Bagamat malinaw ang gusto nilang iparating, mahina ang naging dating. Ang hangarin ay maganda, ngunit hindi maganda kung paano ito ibinahagi.


The movieโ€™s inability to infuse the scenes with life and passion turned out to be its biggest sin.


๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—กย ๐—ก๐—šย ๐— ๐—š๐—”ย ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—”๐—ก

Rating: 0.5/5


Cast: David Licauco, Sanya Lopez, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Liezel Lopez, Jun Sabayton, Jay Ortega, Euwen Mikaell, Soliman Cruz, Joel Torre, David Shouder

Written by: Aya Anuncacion, Benedict Mique

Presented by: GMA Pictures, Lonewolf Films

Release Date: April 19, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


2 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Justme
Apr 25
Rated 1 out of 5 stars.

๐Ÿ‘Ž๐Ÿ‘Ž๐Ÿ‘Ž

Like

mk
Apr 22
Rated 1 out of 5 stars.

Hindi maganda ang pelikula.

Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page