SELDA TRES
- goldwinreviews

- Sep 25
- 1 min read
Updated: Oct 2
Selda Tres (Sinag Maynila 2025)
Directed by: GB Sampedro

Pinakita nila ang buhay kulungan, pero sitcom ang atake. Nagsampalan gamit ang pulbos. May holdupan tapos ginawang prank.
Nakaka-disorient dahil hindi naman nakakatawa ang sitwasyon nila, pero ganun ang gusto nilang palabasin. Kahit malala na ang nangyayari, hindi mo sila kayang seryosohin.
Mahigit dalawang oras ang pelikula. Pang-teleserye ang kaganapan. Andaming sideplots. Hanggang sa credits roll, may nangyayari pa rin.
May love story sina JM De Guzman at Carla Abellana. Family drama ang handog ni Arron Villaflor. Nag-magic trick si Jeffrey Tam. Nag-powder slap si Victor Neri. Ginawan ng action scene si Cesar Montano.
Tungkol sa hustisya ang pelikula, pero madalas itong matabunan ng ibang bagay. Sa dami ng kanilang nilagay, naging chopsuey na siya.
Kapag hindi na nila mapagdugtong nang maayos ang mga eksena, fade to black transition ang kanilang solusyon. Para gawan ng summary ang kwento, sa ending ay may narration.
𝘚𝘦𝘭𝘥𝘢 𝘛𝘳𝘦𝘴 can be many things, but it’s mostly guilty of three charges: lame editing, chaotic script, and inconsistent direction.
𝑺𝑬𝑳𝑫𝑨 𝑻𝑹𝑬𝑺
Cast: JM De Guzman, Carla Abellana, Arron Villaflor, Jeffrey Tam, Victor Neri, Isay Alvarez, Cesar Montano
Story: GB Sampedro, Eric Ramos
Screenplay by: Eric Ramos
Presented by: Five 2 Seven Entertainment Production
Release Date: September 24-30, 2025 for Sinag Maynila
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments