top of page

SILAB

Silab (2021)

Directed by: Joel Lamangan


Isang mag-asawa na masaya nung una ay biglang nagkalabuan sa huli. Huwag niyo na intindihin kung bakit, dahil walang matinong istorya ang pelikula.


Wala kang makikita dito kundi ang katawan nila Jason Abalos, Marco Gomez at Cloe Barreto.


Bigla na lang silang rarampa kung saan saan, tapos maghuhubad.


Minsan nga, wala ng hubad hubad. Magugulat ka na lang wala na pala silang saplot, at nasa ilalim na sila ng puno o nasa ibabaw ng bangka.


Sa mga sexy scenes na nga lang sila pwedeng bumawi… Pero pati yun, hindi pinag-isipan.


Parang ginawa lang ang pelikulang ito para maghubaran sila. Pero dahil kailangan magkaroon ng kwento, naglagay ng mga usapan at kaganapan na hindi napanindigan.


May mga rebelasyon tungkol sa bawat karakter, pero wala ring pinanggalingan. Basta na lang sila nagbigay ng mga pasabog nang walang dahilan.


Sabog na sabog ang buong palabas.


Nakakaawa ang buong cast. Nag-dramahan pa sina Lotlot de Leon at Chanda Romero. Todo-emote sila para sa wala.


Walang wala talaga ang pelikulang ito.


Wala kang makikita dito kundi ang katawan nila Jason Abalos, Marco Gomez at Cloe Barreto.


Silab.. Nag-aalab sa kapangitan.


SILAB

Rating: -1/5


Cast: Jason Abalos, Cloe Barreto, Marco Gomez, Chanda Romero, Lotlot de Leon

Presented by: 3:16 Media Network

Date Released: July 9, 2021 via web.VIVAMAX.net and www.KTX.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen
bottom of page