top of page

SINE KABATAAN 2023

RANKING FOR SINE KABATAAN 2023 SHORT FILMS



1️⃣ CONGRATULATIONS, DX! (Mark Felix Ebreo)

Dexter, diagnosed with HIV, remains hidden for two years and only reconnects with his friends after receiving an undetectable HIV status.


Tulad ng isang kaibigan, ang pelikulang ito ay handa kang damayan. Sa mundong puno ng kalupitan, nangibabaw pa rin ang kanilang kabutihan.


Malinaw ang kanilang naging direksyon. Sinsero ang kanilang atake. Hindi sila nagpanggap. Ang mga eksena ay tagos sa puso. Dahil ito’y simple at totoo, buong buo nilang naiparating ang kanilang gustong sabihin. Ginamit nila ang kanilang boses upang makapagbigay ng magandang mensahe. Naging matagumpay sila.


Congratulations for successfully making a film that everyone can understand, empathize with and reflect upon. Most importantly, thank you DX for sharing your story.



2️⃣ CRUSH (Louisse Carlo Ledonio)

- Tapat sa kanilang pamagat, pinaramdam ng pelikulang ito kung paano magkaroon ng isang Crush. Madalas ay masaya at nakaka-kilig. Minsan ay masakit at malungkot. Hindi ka madudurog ng Crush, pero tatamaan ka.


3️⃣ ANG PAMILYA MAGUOL (Jermaine Tulbo)

- Makulit at masaya ang pagkakakwento. Hindi sila nahihiyang ipakita na magulo at makalat ang kanilang pamilya. Kulang pa sa mga sinserong usapan, pero kung kasiyahan naman ang kapalit, handa tayong makitawa diyan.


4️⃣ NALUMOS AKONG PAPA SA SABAW (JP Corton)

- Sabaw ang pelikula pero masarap higupin dahil minsan sa ating buhay, ang mga utak natin ay naging sabaw rin. Walang ulam at kulang pa sa mga rekados, pero may sustansya naman kahit papaano kapag sinisid mo ang sabaw na’to.


5️⃣ ALL THE TIME

(Dominic Zulueta and Anya Zulueta)

- The cat is cute. The animation is cute. The narration is cute. Sometimes, cuteness is enough… but not all the time.


6️⃣ KUNG ANG ULAN (Macky Esquibel)

- Kung ang samahan ng dalawang magkapatid na’to ay kasing lakas ng ulan, maaring maramdaman mo sila at bumuhos pa ang mga luha.


7️⃣ PANTOG (John Alex Estrella)

- Sumasabog ang emosyon, ngunit kapos pa rin ang kanilang naging paglalakbay patungo sa kanilang destinasyon.


8️⃣ HOT SEAT (Johmar Damiles)

- Jumping from one seat to another, this film lacks focus and relies too much on its pretty decorations.


9️⃣ THE BRIEF HISTORY OF A FILIPINO ASTRONAUT (Ashley Manugas)

- In this movie’s flight, only the visual effects landed on the right track while the rest of the elements didn’t take off.


🔟 KIANG / CRUTCH (Mariya Lim)

- This film literally and figuratively has no words to say. It needs a crutch to make a stand.


Sine Kabataan 2023 runs from September 22-24, 2023 at the Shangri-la Plaza for FREE.




0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page