top of page

SINE KABATAAN 2025

Updated: Dec 30, 2025

RANKING FOR SINE KABATAAN 2025 SHORT FILMS


1️⃣ Signal Pending (Louchielle Ashley Hael)

  • When you tell people about this story, they might not believe you. But when you show it to them, then they might cheer for you. That’s the power of showing and not telling. Even with no dialogues, the visuals and sounds alone are enough to share a story we can all relate to. Imagination is the limit, yet it’s easy to reach. Sometimes, it feels like the scenes are just there to showcase their animation skills. Nonetheless, there’s fun and excitement. It’s still an entertaining watch. The post-credit scene makes you relive memories and look forward to the future. What a journey it has been.


2️⃣ Elephant Paths (Joshua De Vera)

  • Hindi mo sila kilala isa isa, pero alam mong pares parehas sila ng hinahangad. Minsan ay nananakit sila, pero alam mong mabuti silang tao. Ramdam mo yun sa tuwing sila’y magkakasama. Ang laking tulong ng kanta at musical scoring upang ibahagi ang emosyon ng mga karakter. Isang linya lang ang meron tungkol sa elepante, ngunit tumatak agad ito. Sakto at naaayon sa kanilang sitwasyon. You may doubt what you see at the end, but deep inside, you want to believe that it’s real… because it’s the only path that matters.


3️⃣ When It Rained Malunggay Leaves (Cedrick Valenzuela)

  • Nakakabingi ang tahimik na usapan sa paggitan ng Nanay at ng kanyang Anak. Malungkot sa pakiramdam. Mabilis nilang naipakita kung anong klaseng relasyon meron sila. Kaya buong magdamag, parang naghihintay ka na lang din sa wala. Nakakatuyo at nakakabagot sa pakiramdam. Ngunit ang mahalaga ay binibigyan nila ng sapat na oras ang paghilom. One step at a time. Nung nagsimula nang may humakbang, nakita ang ginhawang dulot nito. Pictures at the end tell a thousand words.

4️⃣ Coding Si Papa (Michael Pogoy)

  • So pure and heartwarming. Kapag bata ang nagsasalita, papakinggan mo talaga. Kaya nakakalungkot sa pakiramdam kapag may oras na hindi pinapansin si Zed Xyrus Martin dito. Ang kanyang mga kahilingan ay pangarap mo na rin. Kulang pa sa mga eksena na magkasama ang mag-ama sa simula upang mas ramdam ang pagbabagong nangyari sa dulo. Medyo alanganin umarte ang tatay, ngunit nadadala ito ng anak. They look good together.


5️⃣ City’s Laundry And Taxes (Diana Galang)

  • Mula sa labada na kailangang linisin at mantsa na hindi kayang tanggalin, hindi pilit ang paggamit sa mga metaphors. With Louise Abuel and Mylene Dizon’s acting, relationships are easily established. It’s good that the film isn’t entirely voiceless, but the voice isn’t strong enough to make a stand. The police officer is not intimidating enough to create tension. In the end, you’re not frightened or moved by the situation. But just amazed by how the metaphors are used.


6️⃣ Due Date Na Ni Judith (Kieth Earl Rebaño)

  • Creative at witty ang paraan ng pagkwento. Hindi mo alam kung anong uunahin mong maramdaman. Yung matawa ba o mabaliw sa nangyayari. Nakakamangha sa mga unang sandali hanggang sa paulit-ulit kung ano kanilang ipinapakita. Nakakasawa na. Pinapahaba na lang. Imbes na mensahe ang mangibabaw, mga pa-epek nila ay nanapaw.


7️⃣ Sunog sa Sugbo (Owen Lepiten)

  • Malinis at maayos ang pagkakalagay sa mga bagay-bagay kaya hindi mukhang totoo ang nangyayari. Parang choreographed ang mga kilos ng sambayanan. The change in aspect ratio isn’t impactful. Nasusunog sila, pero hindi nakakapaso. Nagsisigawan sila, pero hindi ramdam ang tindi ng mga emosyon. Maganda kung paano ipinakita ang pagkakaiba at pagkakapareho ng sitwasyon sa dulo. Mas maganda siyang tingnan kesa sa panuorin.

8️⃣ Blooming (Ronnie Ramos)

  • Ang ganda sana ng simula. Nakakatuwang makita si Annika Co. Nakakatawa kung paano binanggit ang ovary at pollen. Pero hanggang dun na lang ang kinaya nilang ibigay. Hindi na lumalago ang mga usapan. Ang laylay kung paano nila tinapos. Ang kwento ay hindi tuluyang nag-bloom.


9️⃣ 4 Better or 4 Worse (Ronjay Mendiola)

  • Better acting performances from the ensemble would’ve lifted this movie. Inconsistent ang mood ng pelikula. Hindi smooth ang flow at editing. Kulang sa pageant atmosphere at pagpapakita relasyon nung dalawa. Dinaan sa konting kilig at patawa.


🔟 After The (G)rain is Gone (Von Jorge Actub)

  • Nung una, may pake ka pa sa kung anong ginagawa nila. Pero masyadong babad ang mga kuha. Puro pakita lang at kapos sa emosyon. Antagal umusad ng mga eksena. The plot only progressed after your care for them is gone.


Sine Kabataan 2025 runs from September 5-7, 2025 at the Shangri-la Plaza for FREE.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page