SUNSHINE
- goldwinreviews

- Jul 24
- 2 min read
Sunshine (2025)
Written & Directed by: Antoinette Jadaone

Magkaiba ang magandang pelikula kumpara sa mahalagang pelikula. Kadalasan, hindi nila napagsasama ang dalawang katangian na iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, parehas na nangibabaw ang ganda at ang halaga nito.
Unang eksena pa lang, ramdam mo na kaagad ang determinasyon ng pangunahing karakter. Mahigpit ang hawak sa pangarap. Mabilis mo siyang mauunawaan dahil tulad niya, lahat tayo ay may pangarap din. Masakit kapag hindi natin ito makamit.
Hindi naglaho ang sakit at hirap habang pinapanuod mo ang pelikulang ito. Buong magdamag, ikaw ay nagtatanong kung alin ba ang mas madali. Yung mawalan ng pangarap o yung mawalan ng anak?
Parehas ay may timbang. Ipaparanas nila sa’yo ang bigat ng magkabilang mundo. Aabot ka sa punto na hindi mo na rin alam ang dapat na gawin. Hindi ka sigurado kung ano ang kanyang magiging desisyon.
Iba’t ibang damdamin ang naghahalo. Takot at konsensya. Panghihinayang at pagsisi. Mula sa pag-kwestyon sa sarili, mapapatanong ka rin sa ginagawa ng eskwelahan, hospital, simbahan at gobyerno para sa ganitong sitwasyon.
Ang bawat karakter ay may mahalagang sinisimbulo. Hindi mahaba ang mga usapan, ngunit natutumbok nila ang mga dapat sabihin. Kahit isa o dalawang linya lang ay sapat na para gumaan o bumigat ang iyong pakiramdam.
Sa panahong lubog ka na, ang sarap makarinig ng mga salitang aahon sa’yo. Hindi na lamang ito basta linya. Makapangyarihan ang hatid ng kanilang mensahe. Nakakabago ng buhay ang pelikulang ito.
Nakakahawa ang mga emosyon na ibinibigay ni Maris Racal. Dahil sa husay, hindi mo siya susukuan. Talento ang kanyang pangunahing puhunan.
Damang dama ang presensya ni Jennica Garcia. Hinding hindi ka niya titipirin sa pagmamahal. Magkahalong kaba at pag-aalala kapag nasasalita na si Meryll Soriano. Patunay si Annika Co na wala sa edad ang lawak ng pang-unawa.
Gets na gets kung bakit maganda at mahalagang masilayan ang Sunshine. Maliwanag pa sinag ng araw. Maingay man ang paligid, boses mo pa rin ang pinaka-malakas.
Madalas tayong maghanap ng Pelikulang Pilipino na makabuluhan at magandang panuorin. Nabiyayaan tayo ngayon. Huwag natin itong sayangin at pakawalan.
Braving the storms and the norms, this film beams with hope, courage, and inspiration. In this country where darkness seems to prevail, it’s about time for us to experience Sunshine.
𝑺𝑼𝑵𝑺𝑯𝑰𝑵𝑬
Cast: Maris Racal, Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Meryll Soriano
Presented by: Project 8 Projects, Dan Villegas, Geo Lomuntad, and Bianca Balbuena in co-production with Anima Studios, Happy Infinite Productions, and Cloudy Duck Pictures
Release Date: July 23, 2025 in SM Cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

mahusay ✨
Love this movie. Ang husay.
One of the local movie that made me cry.
So meaningful movie
Nice movie