top of page

THE FOUR BAD BOYS AND ME

Updated: Aug 4

The Four Bad Boys And Me (2025)

Directed by: Benedict Mique

ree

Pagtatawanan mo ang mga eksena dahil wala silang prenong magsalita at magkwento.


Ang derogatory ng description nila sa isa’t isa. Puro stereotypes na hindi naitatama. May rebound girl pero confident. Kabit siya pero mapagmahal. Panget daw kapag nakasalamin. Harassment na hinayaan na lang. Andaming red flags sa script na proud silang iwagayway


Andaming nangyayari na para bang walang katapusan. Andaming isyu na sumusulpot kung saan saan. Pero ang lahat ng yun ay kusa ring nawawala.

Pang-teleserye ang hatian ng mga eksena. Akala mo tapos na, pero may panibagong episode pa pala. Hindi tuloy naging swabe ang pagkwento.


Hindi ramdam ang pagiging bad ng mga boys. Biglaang nabuo ang pagmamahalan ng mga bida. Kulang sila sa chemistry. Kulang sa facial expression si Gelo Rivera, pero bumabawi siya kapag sayawan na.


Kahit saglit lang siya ipinakita, may dating ang presensya ni Brent Manalo. Kapani-paniwala at maangas siyang magbitaw ng linya. Nakaka-distract minsan ang accent ni River Joseph, ngunit nadadaan naman niya sa mukha ang kanyang mga emosyon.


Epektibo at nakakaasar si Analain Salvador bilang kontrabida. Kwela umarte si Dustine Mayores. Nagiging seryoso ang lahat kapag nandyan si Harvey Bautista. Maayos umarte si AC Bonifacio, pero nakakaawa ang kanyang karakter.


Bagay ang role kay Anji Salvacion. Puno ng buhay ang kanyang narration. Parang emoji ang kanyang mukha. Animated siyang umarte, kaya nakakatuwa siyang panuorin. Ngunit kapag oras na ng seryosohan at dramahan, siya ay kinakapos. Kulang sa bigat ang kanyang akting. Mabuti na lang at magaan lang ang atake ng direktor sa mga eksena.


Dahil sa kakulitan ng cast at ng kwento, naging entertaining ang pelikula. Hindi man siya good sa maraming aspeto, masarap naman siyang pagtawanan.


Enjoy enjoy na lang

at iwas sa bad vibes.


𝑻𝑯𝑬 𝑭𝑶𝑼𝑹 𝑩𝑨𝑫 𝑩𝑶𝒀𝑺 𝑨𝑵𝑫 𝑴𝑬

Cast: Anji Salvacion, Gelo Rivera, Harvey Bautista, Dustine Mayores, River Joseph, Gela Alonte, AC Bonifacio, Analain Salvador, Krystal Brimner, Brent Manalo

Originally Written by: Tina Lata

Screenplay by: Shania Vonzel Obena

Presented by: ABS-CBN Studios, Lonewolf Films

Release Date: July 31, 2025 at the YouTube Channel of ABS-CBN Entertainment

A Movie Review by: Goldwin Reviews


1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Aug 03
Rated 5 out of 5 stars.

Congrats miss Tina 🫶

Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page