top of page

THE DELIVERY RIDER

Updated: Oct 31

The Delivery Rider (2025)

Directed by: Lester Pimentel

ree

Hindi mo kayang seryosohin ang mga nangyayari. Parang parody ng 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘘𝘶𝘪𝘢𝘱𝘰 at 𝘉𝘶𝘥𝘰𝘺 ang atake. Walang katapusan ang buhay ng bida. Lahat ng bala na dumaan ay balewala sa kanya. Pati pagsabog ay hindi siya tinatablan. Ginawa siyang invincible. Naging literal na siyang superhero.


Andaming kalaban na naghihintay lang na masaktan. Hindi sila lumalaban. Halata na praktisado ang kanilang bawat galaw upang makabuo ng fight scene kung saan ang bida ang parating panalo.

Masyadong traumatic ang nangyari sa bata, pero hindi ito natugunan. Dinaan na lang sa laro para makalimutan ang lahat. Ang pagiging food delivery rider ay ginamit lang para masimulan ang kwento, ngunit hindi nabigyang halaga ang trabahong ito.


Instead of giving genuine representation, the inclusion of Autism feels like a narrative device to boost the action scenes and plot twist.


Whenever you want to let go of the movie, Jennica Garcia pulls you into the scene, letting you feel the intensity of her emotions. It’s cool to see Euwen Mikaell in an action film. Baron Geisler’s facial expressions seem unnatural, but his actions are somewhat redeeming. On crucial moments, he is able to deliver.


Joem Bascon and Jake Cuenca are underutilized, with fleeting scenes that don’t leave a mark. JC Alcantara offers a cringeworthy type of acting performance. Mapapamura ka rin sa kanyang karakter.


Ang hirap sakyan ng 𝘛𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘭𝘪𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘙𝘪𝘥𝘦𝘳 dahil parati itong umaandar pabaliktad. Sa tuwing umuusad ang pelikula, mapapa-atras ka at mapapatanong ka kung posible bang mangyari yun. Lutang ang naging biyahe. Bihirang makatapak sa lupa.


𝑻𝑯𝑬 𝑫𝑬𝑳𝑰𝑽𝑬𝑹𝒀 𝑹𝑰𝑫𝑬𝑹

Cast: Baron Geisler, Euwenn Mikaell, Jake Cuenca, Jennica Garcia, JC Alcantara, Malou De Guzman

Story by: Mylene Ongkiko

Screenplay by: Henry King Quitain

Presented by: Studio Three Sixty, Netflix

Release Date: October 23, 2025 on Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page