top of page

THE EXORSIS

The ExorSIS (MMFF 2021)

Directed by: Fifth Solomon


Anong gagawin mo kapag

sinapian ang kapatid mo?


Pagtatawanan mo

ang pelikulang ito.


Buhay na buhay ang mga eksena dahil sa walang katapusang mga banat. Lahat ng artista ay may kontribusyon.


Magaling ang tambalan nina Alex at Toni Gonzaga. Lalo na kapag sinama na si Melai Cantiveros. Abangan niyo yung eksenang nasa sahig si Melai. Paulit-ulit ang nangyayari pero hindi nakakasawa.


Andami pang eksenang bugbog sa katatawanan.

Sunod-sunod ang kanilang mga patawa.

Pero hindi sila pumapalya.


Maliban sa nakakatawang mga linya,

Nakakatuwa rin ang mismong istorya.


Hindi nila kinalimutan na mag-kwento. Binigyan nila ng kabuluhan ang pinagdaraanan ng mga karakter.


Hindi nga lang ganun ka-linis. Mapapatanong ka rin minsan kung bakit at papano nangyayari ang mga bagay-bagay. Natatakasan lang nila ito dahil sa pagpapatawa.


Sa pamamagitan ng halakhak,

ipapalimut nila sa’yo ang mga atraso nila.


Isuka pansamantala ang problema.

Magpa-sapi muna sa saya at tumawa.


THE EXORSIS

⭐️⭐️⭐️


Cast: Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Melai Cantiveros, Kate Galang

Presented by: Viva Films, TinCan Films

Date Released: December 25, 2021 in Philippine Cinemas

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page