top of page

THE LAST BEERGIN

Updated: 6 days ago

The Last BeerGin (2025)

Directed by: Nuel Crisostomo Naval

ree

Bakit masarap uminom kapag may problema?


Perhaps, we all know the answer to this question—and this film somehow captures the very essence of it. Without needing to go overboard, emotions and frustations are released.


Simple lang ang usapan pero gets mo sila. Kahit bitin sa pulutan, may ambag ang bawat isa. Papakinggan mo silang lahat. Walang problemang nakakaangat sa taong naghihirap. Pantay-pantay ang billing ng mga artista kapag inuman na.

Mapapatagay ka sa galing ni Cherry Pie Picache makipagsagutan at bardagulan. Iba’t ibang combo ng emosyon ang naibuhos niya rito.


Laughtrip si Xyriel Manabat. Nakakairita ang karakter ngunit nakakatawa ang pagganap. Ang kanyang kaartehan ay may kakayahang buhayin ang mga eksena.


Masyadong inosente ang mukha ni Zaijian Jaranilla kaya mahirap paniwalaan na siya’y lasing at wasak. Committed at consistent ang portrayal ni JC Santos. Saktong sakto ang kanyang mga katanungan.


Magaling mag-facilitate ng drinking session si Pepe Herrera. Benta ang mga side comments niya. Hindi mo alam kung lasing ba talaga siya o lasing-lasingan lang dahil natural ang kanyang pagiging lasinggero.


Kahit buong magdamag silang nag-iinuman, yung mga mukha nila ay hindi pa rin namumula. Ang tamlay ng color grading. Hindi mukhang tambayan at inuman place ang lugar na kanilang napili.


May sandaling gusto mong marinig ang kanilang sinasabi, pero nananapaw ang musical scoring. Gusto mo ring makita kung paano sila magkwento, pero sa iba nakatutok ang kamera. Nakaka-apekto ang mga bagay na ito para mapalayo ka sa eksena.

Dahil malakas ang personalidad ng bawat karakter, mapapalapit ka sa kanila. Kahit hindi sila magkakilala, nakabuo sila ng samahan.


Hindi pa man din nagsisimula ang mismong inuman, may bangayan na kaagad. Hanggang sa ang hampasan ay na-upgrade sa sampalan, at ang suka ay napunta sa mura. Sa bawat tagay, lumalabas ang sama ng loob. Sa bawat round, gumagaan din ang pakiramdam.


Gaano man kababaw o kabigat, ang mga problema ay pansamantalang makakalimutan kapag oras na ng inuman. The movie allows us to breathe, but it doesn’t end there. Beyond providing an escape, it motivates us to also face the problem.


Hindi nakababad ang pelikula sa beer at gin. Umahon ito at nagpatikim ng realidad.


Laklakin natin ang tamis at pait ng buhay.

Huminga. Bumangon. Tumagay.


𝑻𝑯𝑬 𝑳𝑨𝑺𝑻 𝑩𝑬𝑬𝑹𝑮𝑰𝑵

Cast: JC Santos, Pepe Herrera, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Cherry Pie Picache

Story & Screenplay by: Mel Mendoza-Del Rosario

Presented by: CineKo Productions, Obra Cinema

Release Date: October 1, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page