THE LAST GOODBYE
- goldwinreviews

- May 9
- 2 min read
Updated: Aug 13
The Last Goodbye (2025)
Directed by: Noah Tonga

Matamlay ang pagkakalahad ng kwento. Simula pa lang ay alam mo na kung anong mangyayari sa dulo. There’s nothing to look forward to. Steady lang sa ibaba ang pelikula at hindi na sila umangat.
Aakyat sila ng Mount Panit pero hindi ipinapakita ang mismong paglalakbay. Nagkaroon ng grouping sa school pero hindi mo alam ang kanilang ginagawa. Umabot na sa graduation day pero hindi ramdam ang kanilang mga pinagdaanan bago umabot dun.
Hindi convincing ang pagiging tatay ni Lui Villaruz. Nakakatuwa ang beshie presence nina Esnyr at Karina Bautista. The appearance of Joe D’ Mango didn’t give any impact at all. Matt Lozano seems conscious of how to make himself cuter, but he doesn’t need to be since he's naturally adorable already.
A total stunner, Daniela Stranner’s striking appearance complements her subdued acting.
Kahit gaano kagaling ang artista at kahit gaano kaganda tingnan ang pelikula, ang mga eksenang meron sila ay hindi sapat para kapitan mo ang mga hugot ng karakter.
Hindi maganda ang build up sa samahan ng dalawang bida. Hindi ka magiging interesado sa mga buhay nila. Walang kilig o awa na maramdaman kundi nonchalant lang. Natapos ang ang pelikula nang hindi mo sila lubusang nakilala.
The film bids goodbye without even getting the chance to introduce itself. No first or last impressions are made.
𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐆𝐎𝐎𝐃𝐁𝐘𝐄
Rating: 0/5
Cast: Daniela Stranner, Matt Lozano, Arlene Muhlach, Bodjie Pascua, Lui Villaruz, Karina Bautista, Esnyr Ranollo, Troy Regis, Joe D’ Mango
Written by: Tin Badillo-Novicio, Noah Tonga Jr.
Presented by: MAVX Productions, Black Cap Pictures
Release Date: May 7, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Hindi ko din naramdaman yung karakter nila. Walang tusok sa puso ang istorya kung ikukumpara sa ibang pelikula. Hindi ko gusto ang pagkakaarte ng lalakeng bida. Dinadaan sa modulation ng voice ang pagarte pero hindi nakikita sa mukha.
Si Daniella, maganda. Simple. Direct to the point ang pag-arte.
Hindi remarkable ang pelikula. Pagkatapos mong panoorin, makakalimutan mo agad.
its a light film but the actors were good and thr stroy was good…
Mikeeee
a few seconds ago
Seryoso ba bat ang dami kong iyak ngayon lang ako umiyak sa tagalog movie hahaha. Galing ng pag arte nila hindi cringey and relevant ang story. Ipaparamdam nila sayo kungbpano ka nainlab nung highschool. ❤️❤️❤️
Seryoso ba bat ang dami kong iyak ngayon lang ako umiyak sa tagalog movie hahaha. Galing ng pag arte nila hindi cringey and relevant ang story. Ipaparamdam nila sayo kungbpano ka nainlab nung highschool. ❤️❤️❤️
For me maganda story Niya, simple Ang storyline, casting, location napaka ganda. Kung iniintindi mo talaga kung ano POV ng movie na ito, mabilis mong ma catch up. Ganda lang ng atake. Kaya nood na kayo. Wag puro bashing.