top of page

THE MALL, THE MERRIER!

The Mall, The Merrier (2019)

Directed by: Barry Gonzalez


Wag nang magpapa tumpik tumpik pa.

Boom Panget po ang pelikula.


Nakakatawa nung umpisa. Sunod sunod na halakhak. Hanggang sa mapapagod ka na lang kakatawa. Dahil walang nangyayari sa istorya.


Paikot-ikot lang sila sa mall nang isang oras. Tapos never-ending insertion of comedy bar jokes, usual punchlines and adult humor.


Take note of the adult humor. May mga eksena at jokes na hindi pambata (kahit Rated PG). Ikaw na ang mahihiya para sa mga kids na nasa sinehan kapag may adult stuff. Hindi po pampamilya ang movie nato. Kaya please be guided accordingly.


Pagdating sa ending, magbibigay ng dramatic speech si Vice Ganda to make an effort na lagyan ng lesson ang movie. But it doesn’t work that way.


If you’re gonna share a lesson, simulan mo sa pag-kwento ng magandang story.


Walang problema kung lagyan nila ng jokes in-between. Walang kaso kung comedy ang approach. Pero baliktad kasi ang nangyari.


Ginawa nilang comedy bar ang sinehan.

Tapos naging side trip na lang ang kwentuhan.


THE MALL, THE MERRIER!

Rating: 0/5


Cast: Vice Ganda, Anne Curtis, Dimples Romana, Brenda Mage, Chad Kinis, MC Muah, Lassy Marquez, Petite, Tony Labrusca, Ion Perez

Date Released: December 25, 2019 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page