The Substance (2024)
Written & Directed by: Coralie Fargeat
Isang babae ang nais bumata at gumanda kaya nagturok siya ng “the substance” sa kanyang katawan.
Maaaring narinig niyo na ang kwentong ito sa KMJS. Pero dahil sa galing ng direktor, ang isang pamilyar na istorya ay nagkaroon ng bago at kakaibang buhay.
Totoo yung nasa poster. Body-horror masterpiece nga siya. Totoo rin yung R-16. Andaming nakakadiring eksena. Hindi kayo magsisisi kapag pinanuod niyo ito sa sinehan. Masayang makita ang mga dugo at balat sa big screen. Close up pa talaga ang karamihan. May pagka-ASMR at sensory motor experience ang datingan.
Hindi nagpigil ang pelikulang ito. Wala silang pake kung masuka ka sa sinehan. Susuka pero hindi susuko.
Mahigit dalawang oras ang pelikula, pero hindi nakakainip panuorin. Hindi mo alam kung kailan matatapos, pero nakatutok ka pa rin sa kung ano ang mangyayari sa karakter. Andaming plotholes at andaming pwedeng pagtawanan, pero mas nangibabaw ang naibigay nitong kagandahan.
Hindi lang magandang tingnan ang pelikula. May sustansya rin siya. Pinag-isipan ang mga shots mula umpisa hanggang dulo. Buo ang pagkakagawa. Pagkatapos mapanuod, mapapaisip ka para sa sarili mo. Sa dami ng ipinakita nila, imposibleng hindi yun makapag-iwan ng marka.
Pwedeng pwede niyong panuorin ang trailer dahil walang spoiler dun. May mga patikim pero kakarampot lang. Mamamangha ka pa rin sa buong pelikula.
True to its title, the film really has substance. The horror genre has its purpose. Prepare yourself for a disgust fest in the most unexpected and twisted way possible. Test your sanity and check your vanity with 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘶𝘣𝘴𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦.
𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘
Rating: 4/5
Cast: Demi Moore, Margaret Qualley
Presented by: Working Title Films, Blacksmith, MUBI
Release Date: September 25, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments