top of page

WALANG KAPARIS

Walang KaParis (2023) Directed by: Sigrid Andrea Bernardo


Two people are less lonely when they are with each other.


Or maybe not ?


Love is complicated after all.


Ang pagiging komplikado ng pag-ibig ay naging bahagi lang ng kanilang pangungusap. Ngunit hindi ito gaanong napag-usapan.


Sasabihin nila na gusto nila ang isa’t isa, ngunit hanggang ganoon lang. Tapos ayaw na pala nila sa isa’t isa, dahil iba na daw ang gusto nila. Ang nasa isipan at saluobin ng mga karakter ay nakapaluob lamang sa mga salaysay at hindi naibabahagi nang tuluyan.


Madalas mabanggit ng mga karakter ang magmahal nang walang kapalit, ngunit parati naman silang nanghihingi din ng kapalit.


Hindi sapat ang kanilang tuksuan upang mahumaling ka sa tindi ng kanilang pagmamahalan—na umabot pa talaga hanggang Paris para sa hindi malamang dahilan maliban sa bahagi ito ng pamagat.


Although anticlimactic, the plottwist and the timeline are part of the movie’s beauty.


Kung paano ka nila hinihila pabalik at tinutulak paharap ang siyang nakadagdag hiwaga at ganda sa pelikula.


The editing helps in making the whole story intriguing. The scoring is affecting. The cinematography is pleasantly attractive. The color grading looks as expensive as their prime location which is Paris.


Aside from the technical aspects, the movie is heavily aided by the rapport of the lead stars.


It has the same old magic of Alempoy. But here, we see a different Alessandra and Empoy. Charming yet serious. Funny yet intimate. It’s hard not to get addicted to this loveteam.


Dahil sa magandang samahan nila, may mga nakakatuwang bahagi ang pelikula.


Walang KaParis pa rin talaga ang tambalang Alempoy.


WALANG KAPARIS

⭐️⭐️ Cast: Alessandra de Rossi, Empoy Marquez, Dolly de Leon Presented by: Spring Films, Prime Video Date Released: March 23, 2023 via Prime Video A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
bottom of page