top of page

WALONG LIBONG PISO

Walong LIBOnG Piso (2025)

Written & Directed by: Dante Balboa

ree

Parang ewan na papanuorin mo lang si Paolo Gumabao kumain ng saging habang naka white briefs, tapos bakat ang etits.


Sasamahan mo rin siyang maligo, umihi, magpakita ng pwet at kili-kili. Isang mahabang foreplay video, pero hindi napunta sa aksyon at jakulan. Pinapahaba lang ang mga eksena kahit halos walang nangyayari. Puro patikim. Kulang na lang ay alukin ka niya ng full subscription para sa only fans account.


Mataas ang kanyang ego. Gwapong gwapo sa sarili. Mapanlait sa ibang tao. Sinisigawan ang nanay. Kailangan mong tiisin lahat ng yun. Kahit hindi kailangan, matagal ang oras na inilaan para lang ipakilala ang bidang karakter. Nung nangalahati na ang pelikula, dun lang nagsimula ang kwento.


Ang awkward pakinggan ng bida na magsalita mag-isa buong magdamag. Kahit may tao sa labas ng kanyang kwarto, hindi siya naririnig nito. Hindi convincing magsalita ang manager. Halatang nilalandi ang boses kahit hindi natural pakinggan. Masyadong tanchado ang boses ng mysterious caller.


There’s a conscious effort to perform in front of an audience, rather than just taking a peek into the life of a macho star.


Mahilig mag-zoom in at zoom out ang kamera, kahit wala namang importanteng ipinapakita. Malabo pa ang mga kuha.

Yung mga pangyayari sa bandang dulo ang nagdala sa buong pelikula. Nadama ang pagsabog ni Paolo Gumabao. Matatalsikan ka ng kanyang emosyon.


Maganda ang plot twist. Nagawan nito ng buod ang posibleng nangyayari sa showbiz industry. May mga kasagutan at katanungan silang iniwan.


Hindi kailangan umabot sa 95 minutes ang haba nitong pelikula. Mas bagay siyang short film. Andaming tengga moments sa simula. Kahit tanggalin ang karamihan sa mga eksena, mananatili pa rin ang mensahe.


Pinagpilitan ang pamagat. Hindi masyadong napaglaruan ang libog at libo. Kahit gaano man kalaki, hindi sapat ang ipinakita upang ika’y mapapa-nganga sa walo.


𝑾𝑨𝑳𝑶𝑵𝑮 𝑳𝑰𝑩𝑶𝒏𝑮 𝑷𝑰𝑺𝑶

Cast: Paolo Gumabao

Presented by: Bentria Productions

Release Date: October 22, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page