top of page

WANTAWSAN

14 hours ago
2 min read

Wantawsan (CinePanalo 2026)

Directed by: Joseph Abello


Nakakainis panoorin ang pelikula

dahil ang sarap konyatan ng bida.


Sa bawat desisyon na kanyang ginagawa,

mapapatanong ka kung tama ba ang mga yun. Parating may agam-agam kung magpapadala ba siya sa kahinaan o kung siya ba ay lalaban.


Gusto mo siyang kaaawan dahil walang wala siya, pero maiinis ka rin dahil sa kanyang katangahan. Kahit nakakainis siyang panoorin, matagumpay pa rin itong maglahad ng mga emosyon na kaugay sa sitwasyon.

Naipakita ni Joross Gamboa ang kanyang kakayahan bilang aktor sa pelikulang ito. Kaya niyang tanchahin kung kailan siya dapat pagtawanan at kung kailan siya dapat seryosohin.


Kahit boses lang ni Rita Daniela ang kadalasang marinig, epektibo siya sa pagtatalak at pagpapaliwanag ng mga dapat gawin. At kapag pinapakita na ang kanyang mukha, mas lalong nadaragdagan ang pressure.


Kailangan pang gabayan ang reaksyon ng bata habang kinakausap siya ng kanyang mga magulang sa eksena.

Habang ipinapakita ang iba’t ibang mga karakter, mahirap ituro kung kanino ba dapat ibabaling ang sisi — kung dun ba sa nangungutang o dun sa yung inuutangan. Kahit kaninong anggulo mo tingnan, hindi mo sila magawang sisihin. Parehas silang biktim ng sistema. Kaya maganda kung paano nila binaling ang sisi mula sa biktima papunta sa pinuno.


Habang patuloy itong naglalakbay, parating nag-iiba ang direksyon na pinapatunguhan ng pelikula. Nagsimula sa budget, pero kung saan saan na nakarating.


The film constantly deviates from the main plot without making much out of these detours. It’s good that it attempts to dig into the root of the problem, but it merely passes through it without exploring it further.


If the film decides to stray from the main path, there should at least be a worthwhile payoff. Instead, it only ends up feeling lost.

Aside from losing track of where the story is going, you’ll also lose track of time.


Sasabihin nilang mamaya na ang birthday party, pero parang hindi ramdam ang kanilang pagmamadali. Sobrang haba ng umaga. Andami pang pagtunganga na naganap.


Merong ilang shots na mahahaba ngunit nakakatulong para namnamin ang eksena. Ngunit may ilang shots din na halatang pinagsasama ang politiko at ang panloloko. Tama naman, pero pilit nga lang tingnan.


Most discussions are premature, even when there’s still more to unpack. Most confrontations are forced, even if unnecessary to the situation.


Nagiging OA na at hindi na nakakatawa. Halatang binibihisan ang ilang mga karakter para kainisan o para maging biktima. Ginagawang mahaba ang ilang jokes kahit hindi na mabenta.


There’s a conscious effort to put everything in your face, to the point that it no longer feels natural and sincere. Eventually, empathy for the character turns into forced sympathy.


Ultimately, after everything it tries to offer, you’re left questioning the value of 𝘞𝘢𝘯𝘵𝘢𝘸𝘴𝘢𝘯.


𝐖𝐀𝐍𝐓𝐀𝐖𝐒𝐀𝐍

Cast: Joross Gamboa, Rita Daniela, Zion Cruz, Raffy Tejada, Star Orjaliza, Alwyn Uytingco

Presented by: Puregold CinePanalo

Release Date: September 23 - October 4, 2026 for Puregold CinePanalo

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page