top of page

WHEN I MET YOU IN TOKYO

Updated: Dec 29, 2023


When I Met You In Tokyo (MMFF 2023)

Directed by: Conrado Peru & Rommel Penesa

ree

Two OFWs unexpectedly meet in Tokyo.


Bihira mong makitang nagtatrabaho ang mga karakter kahit madalas silang nag-uusap tungkol sa kanilang trabaho.


May mahalagang impormasyong nabanggit tungkol sa OWWA, pero hindi naibahagi ang paghihirap ng OFWs. May trivia tungkol sa magagandang bulaklak sa Japan, pero hindi gaanong nasulit ang ganda ng mismong Japan.


May oras na hindi mo na alam kung saan ba talaga papunta ang kwento at kung kailan ba ito matatapos. Hindi maganda ang pagpasok ng istorya nina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa pelikula. May mas igaganda pa sana ito.


Hindi masyadong nagamit ang karamihan sa mga cast, ngunit napansin ang nakakadalang pagganap ni Gabby Eigenmann lalo pa’t nakakainis ang kanyang karakter dito.


Maalog ang ilang kuha. Biglang lalabo ang ilang parte ng eksena. Hindi man maayos ang pelikula sa usapang teknikal, angat naman sila pagdating sa ibang bagay.


Simple ngunit sinsero ang atake sa mga eksena. Nakatutok ito sa pagkwento ng pagmamahalan ng dalawang bida. Naipakita kung paano sila unang nagkita at nagsimulang nagmahalan. Kasama mo sila sa kanilang paglalakbay.


Because you are not blindsided by their love story, you appreciate its existence. Soon after, you become a fan of it.


Mahirap hindi kiligin sa pinaggagawa nina Vilma Santos at Christopher de Leon dito. Ang saya nilang panuorin. Instant hit ang meet-cute moment nila. Ang cute ng tawagan nila. Ang lambing ng halikan nila. Ang kulit ng bed scene nila. Mapapatawa at maiinlove ka. Romcom kung romcom talaga.


Hindi lang sila nagpakilig, naipakita rin nila ang kanilang husay sa pag-arte. Mararamdaman mo kapag sila’y nalulungkot at nasasaktan. Naibahagi nila ang kanilang pinagdaraan at pagmamahalan.


Love knows no age.

This movie shares the same fate.


Regardless of your age,

prepare to fall in love

when you meet them in this movie.


WHEN I MET YOU IN TOKYO

⭐️⭐️⭐️


Cast: Vilma Santos, Christopher de Leon, Darren Espanto, Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Lynn Cruz, John Gabriel, Jacky Woo, Gina Alajar, Lotlot de Leon

Story by: Rado Peru, Christopher de Leon, Vilma Santos

Screenplay by: Suzette Doctolero

Presented by: JG Productions Inc.

Date Released: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide 

A Movie Review by: Goldwin Reviews


See GR awards here. See GR ranking here.


🎫 WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes

  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page