WILD BOYS
- goldwinreviews
- Aug 14
- 2 min read
Wild Boys (2025)
Directed by: Carlos Morales

Andaming pabukol at pabakat. Pero kapag sinilip mo na ang pelikula, wala itong laman.
“Wild” is hardly the word that comes to mind when describing the boys. You won’t even get the chance to know them. Pinakita lang ang mga pangalan at trabaho nila, tapos yun na yun. Para silang mga avatars na non-fungible tokens kapag sumasayaw.
Hindi mo alam kung saan nanggaling ang ibang mmga karakter. Bigla na lang silang sumulpot. Si Inday Garutay lang ang madalas na magsalita, tapos naging backdrop na lang yung cast.
Nagkaroon sila ng team building, pero walang nabubuo. Nag-eemote sila, pero hindi mo alam kung anong pinagsasabi nila. Akala mo ang lalim na ng pinagsamahan nila, pero wala naman silang nagagawa pa.
Antamad nilang magkwento. Ang kaunti ng mga eksena. Cristy per minute ang peg sa simula, tapos naging Magpakailanman, na nauwi sa semi-action. Naglagay pa ng plot twist na pang-Mara Clara. Nakakaloka ang script. Walang direksyon. Tadtad ng narration at montage. Hirap na hirap na ang editor na pagdikitin ang mga eksena.
Nakakahilo both the flow and the shots. Mas magalaw pa ang kamera kesa sa mga dance moves nila. Ang sakit sa mata at sa tenga. Ampanget ng musical scoring at audio dubbing. Halatang pinatong lang at hindi na nilinis pa.
Nakakalungkot na ang Abrenica Brothers ay parating present sa mga palabas na hindi mo alam kung bakit ipinapalabas—tulad ng “Tricycle Driver, Kasangga Mo”, “Sa Kamay Ng Diyos” at ngayon naman itong “Wild Boys”.
Ang wild isipin na nagkaroon ng nationwide release ang ganitong klaseng pelikula. Hindi sapat ang kanilang mga abs para ibalandra sila sa big screen. Kung yung iba ay dekalidad ang hinahain, heto naman ay idinaan na lang kembot at katawan.
𝑾𝑰𝑳𝑫 𝑩𝑶𝒀𝑺
Cast: Aljur Abrenica, Vin Abrenica, Kristof Garcia, Arwind Santos, Rash Flores, Jimboy Martin, Pedro Red, Christian Ty, Billy James Renacia, Nico Locco, Inday Garutay
Presented by: Bright Ideas Productions
Distributed by: Viva Films
Release Date: August 13 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments