top of page

ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN

Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan (2023) Directed by: Chito Roño


A boy went to his hometown and unexpectedly met the friends of Mama Susan.


Sabog ang pagkakagawa. Nagmamadali magkwento. Wala kang sinusundan na istorya. Walang agos na makikita. Hindi siya mukhang pelikula. Listahan lang siya ng mga eksena.


Ipapakita nila ang isang bahay na may nag-aaway. Tapos lipat agad sa classroom na nagdadaldalan ang mga estudyante. Maya’t maya ay nasa bus at probinsya na pala siya.


Pasulpot-sulpot lahat ng mga karakter. Hindi mo sila kilala, pero andaming sinasabi. Tapos hindi mo na ulit sila makikita. Pati si Mama Susan ay mukhang ekstra sa pelikula. Lalabas lang siya kapag may orasyon o sermon na siyang bibigkasin.


Hindi nagamit nang maayos ang 90s era. Sayang ang diary na ginawang pang-transition effect lang. Hindi rin maganda ang mga kuha. Masakit sa mata ang pagkakakulay. Madilim ang ilang mga eksena.


Ang tanging pananakot na ginawa nila ay gulatan. May nangyayari na pala nang hindi mo alam na yun na pala ang nangyayari.


The movie was faithful to the novel. There’s one to two changes, but almost everything was by the book. The actors are believable. The problem falls on how the book was translated into a film. What they did is not a movie adaptation, but a literal page-by-page translation of the scenes. No justice served for Mama Susan.


Hindi matutuwa si Mama Susan niyo. Kaya pala siya nananakot until now. Nagsama pa ng mga friends.


This movie can be ghosted. But if you’re a Bob Ong fan, only curiosity would make you want to see how it looked like on screen. You can’t miss how ‘horrifying’ it turned out to be.


ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN

Rating: 0/5 Cast: Joshua Garcia, Yñigo Delen, Jewel Phiona Raymundo, Kelvin Miranda, Patrick Quiroz, Henz Villaraiz, Rhed Bustamante, Soliman Cruz, Mon Confiado, Vangie Labanan, Melissa Mendez, and Ms. Angie Ferro Based on a Novel by: Bob Ong Presented by: Regal Films, Black Sheep, Prime Video Release Date: May 18, 2023 via Prime Video PH A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page