top of page

BIYERNES SANTO

Biyernes Santo (2021)

Directed by: Pedring Lopez


May demonyong sumusunod sa isang pamilya, at susubukan itong puksain ng isang spiritista, sa pagsapit ng Biyernes Santo.


Hindi bagay kay Ella Cruz ang maging spiritista. Hindi kapani-paniwala ang kanyang mga ritwal at pagdarasal. Mukha siyang bakasyonista na naglalagay ng maraming abubot sa bawat sulok ng bahay.


Walang ginawa si Gardo Versoza kundi sisihin ang sarili sa nangyari sa kanyang pamilya. Panay mukmok at puro drama. Ang anak naman niyang si Via Ortega ay hindi mo maipinta kung anong trip sa buhay. Masyadong matigas ang kilos at pananalita. Hindi niya naibibigay ang sapat na emosyon sa bawat sitwasyon.


Biglang sisingit si Mark Anthony Fernandez para manakot. Ngunit maiinis ka lang dahil wala naman siyang ginawa kundi tumayo lamang.


Paikot-ikot silang lahat sa bahay. Pero hindi sila nagkakatagpo. Nag-kanya-kanya sila. Hindi sila nagtutulungan para maging makabuluhan ang pelikula.


Paligoy-ligoy ang kanilang mga usapan. Walang pinupuntahan. Pinapahaba lang nila, kahit wala namang bagong impormasyon ang dumadagdag.


Andaming eksena na nilagay para humaba lang ang pelikula. Andaming pananakot na ginagawa, tapos mapupunta sa wala.


They tend to build tension that leads to nothing but a cheap scare. They keep on running around the circles. Then towards the end, they would reveal a plot twist with hopes to redeem the movie.


This film made no investment to the characters and to the story, for you to even care with what’s happening to them. They are reluctant in sharing information and creating discussions to strengthen their theme on demons and rituals.


Turn your Good Friday into a bad one by watching this movie. Otherwise, there’s no good reason to watch it at all.


BIYERNES SANTOS

Rating: 0/5


Cast: Ella Cruz, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Via Ortega

Presented by: Viva Films

Date Released: March 26, 2021 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
bottom of page