top of page

COMING HOME

Coming Home (MMFF 2020)

Directed by: Adolfo Alix Jr.


A father who left his family suddenly resurfaces. Most of his children are reluctant to welcome him back home. Aside from the given plot, each character has its own major problems to deal with—altogether forming a multitude of chaos.


Andami nilang problemang ipinakita. Halos mabibigat lahat. Pero hindi nabigyan ng hustisya at solusyon ang bawat isa. Dinaan-daanan na lang. At sa bandang dulo, bigla na lang magiging maayos ang lahat.


Maganda ang camera movements at shots. Subalit kabaliktaran pagdating sa mga eksena. Merong artistang nangingibabaw. At merong humihila pababa. Hindi sila nagtutulungan.


May kanya-kanyang mundo ang bawat aktor. Gumagalaw ang istorya ng bawat isa sa sarili nilang oras at agos. Hindi sila nagkakatagpo-tagpo.


Magsusuntukan si Martin del Rosario at Vin Abrenica, ngunit hindi mo alam kung saan sila nangagagaling. Mag-lalasing si Edgard Allan Guzman, at hindi pag-uusapan ang kanyang problema. Mag-dra-drama bigla si Shaira Diaz, tapos kinabukasan ay maayos na sya. Nariyan lamang sina Jake Ejercito at Julian Estrada bilang palamuti.


Hindi mo maramdaman ang pagiging isang ama at asawa ni Jinggoy Estrada. Si Sylvia Sanchez na lang ang tanging pag-asa ng pelikulang ito.


Madadala ka sa drama na ibinibigay ni Sylvia. Pero mistulang nagiging comedy ang eksena dahil sa presensya ni Jinggoy. Hindi nagtutugma ang galing ni Sylvia sa ipinapakita ni Jinggoy. Dahil duon, hindi sila naging kapani-paniwala bilang mag-asawa.


Hindi pamilya ang tingin mo sa kanila. Kundi mga artistang nagsama-sama para sa iisang proyekto kung saan bida si Jinggoy Estrada.


This movie presented many family problems, but neither reached a proper resolution. The ensemble cast didn’t feel like one big family. The acting prowess of Sylvia Sanchez couldn’t save the whole movie.


COMING HOME

Rating: 0/5


Cast: Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Ariella Arida, Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Shaira Diaz, Jake Ejercito, Shaira Diaz, Julian Estrada

Presented by: Maverick Films

Date Released: December 25, 2020 via upstream.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen
bottom of page