HAPLOS SA HANGIN
- goldwinreviews
- 3 days ago
- 1 min read
Haplos sa Hangin (CineSilip 2025)
Directed by: Mikko Baldoza

7 years na silang magkasama, ngunit bigo silang ipakita kung paano sila magmahalan. Hindi maganda ang daloy ng mga eksena. Napuputol at tumatalon. Hirap silang makabuo ng relasyon sa paggitan ng mga karakter.
Dahil hindi ka konektado sa kanila, hindi mo rin magawang maawa o magalit nung nagkaroon na sila ng problema. Hindi ramdam ang kanilang pinagdaraanan.
Naghihirap na nga sila, pero nagawa pang bumili ng gourmet dried fish. Nagsayang pa sila ng tsokolate at pinahid lang sa katawan para paglaruan. Hindi mo alam kung anong ginagawa nila sa buhay. Sasabihin lang na graphic designer, tapos yun na pala yun.
Naglagay silang chapter titles na hindi naman nakatulong upang pagandahin ang eksena. Hindi swabe ang pagkakalagay ng mga tunog. Dinaan na lang sa kulay ng ilaw para pagandahin ang hitsura ng pelikula.
Nakaka-windang na kailangan talagang may mangyari na sex para lang magawa ang plano nila. Hindi mo alam saan nanggagaling ang mga desisyon nila. Basta maisingit na lang.
Hindi sulit matunghayan ang sex scenes sa big screen. Maliban sa sobrang iksi, kulang sa lagkit at tensyon.
Maganda sana ang twist na nangyari sa dulo. Pero hindi sila naglaan ng oras na hubugin ang karakter, kaya nawalan din ito ng dating.
Mula sa kwento hanggang sa sex scenes,
parang hangin lang sila na dumaraan.
Walang bigat na maramdaman.
𝑯𝑨𝑷𝑳𝑶𝑺 𝑺𝑨 𝑯𝑨𝑵𝑮𝑰𝑵
Cast: Martin Del Rosario, Angelica Cervantes, Denise Esteban
Written by: Sonny Calvento & Mikko Baldoza
Presented by: CineSilip, Southern Lantern
Release Date: October 22-28, 2025 on select Ayala Malls cinemas
A Movie Review by: Goldwin Reviews
