top of page

IN MY MOTHER'S SKIN

In My Mother’s Skin (2023)

Directed by: Kenneth Dagatan


Isang pamilya ang naghihirap at wala ng makain.

Ang balat ni nanay ay nag-ibang anyo na rin.


Hindi mo kakapitan ang mga karakter.


Wala kang paki-elam sa kanila

dahil hindi naman ipinakilala

kung sino ba sila bilang isang pamilya.

Bahala silang magpatayan diyan.

May nangyayaring patayan pero wala pa ring kabuhay-buhay. Napaka-tamlay ng mga pananakot. Maliban sa hindi ka na nga konektado sa mga karakter, nakakabagot pa ang mga nangyayari.


May mga kaganapan sana na pwedeng makapagbigay ng mataas ng emosyon, pero pati yun ay ipinagkait nilang ipakita.

Mas pinagtuunan nila ng pansin kung paano magiging maganda ang hitsura ng bawat eksena. Hindi na bale kung kapos sa istorya, basta ang importante ay maganda itong tingnan. Puro lang sila paandar pero wala namang ganap.


Wala kang mararamdaman sa buong pelikula kundi antok.

Ang balat mo ay kukulubot sa yamot.


IN MY MOTHER'S SKIN

Rating: 0/5


Cast: Felicity Kyle Napuli, James Mavie Estrella, Beauty Gonzalez, Angeli Bayani, Ronnie Lazaro, Arnold Reyes, Jasmine Curtis-Smith

Presented by: Epic Media, Zhao Wei Films, Clover Films, Volos Films

Date Released: October 12, 2023 via Prime Video

A Movie Review by: Goldwin Reviews

1 comment
bottom of page