top of page

LOLA BARANG

Lola Barang (2025)

Written & Directed by: Joven Tan

ree

Kapag tiningnan mo ang poster at ang trailer, halatang hindi na maganda ang pelikula. Pero kapag pinanuod mo na, mas panget pa pala siya sa inaasahan.


Lola Barang ang pamagat, pero halos hindi na siya ipakita. Sa flashback na lang siya lumalabas. Imbes na katakutan, maaaliw ka pa sa kanya dahil change career na pala siya. From folk healer to frustrated actress na ang peg niya.


Mas marami pang acting challenge si Lola Barang kesa sa pambabarang.


Ginawang clown si Giña Pareno. Sobrang puti ng mukha kapag mananakot. Sobrang kwela naman kapag manlalambing.


Tila pinaglaruan na lang si Ronnie Lazaro rito. Nagkaroon siya ng shower scene. Natulog nang walang damit. Pina-ihi sa kubeta. Mga kung anu-ano na lang para lang humaba ang pelikula.

Nakakaawa na silang panuorin. Nasasayang ang kanilang galing. Ampanget ng kwento. Wala ng nangyayari. Ang hirap seryosohin.


Nakakaantok yung color grading. Nakakarindi ang musical scoring. Papunta na sa action ang tunog. Sunod-sunod at paulit-ulit na pampagulat na lang ang ginagawa.


R-16 ang Lola Barang, ngunit pang-Lola Basyang ang level ng pananakot. Kahit anong edad siguro ay magiging matapang kapag nasaksihan na ang pelikula.


𝑳𝑶𝑳𝑨 𝑩𝑨𝑹𝑨𝑵𝑮

Cast: Gina Pareño, Ronnie Lazaro, Richard Quan, Alan Paule, Marlo Mortel, Mercedes Cabral, Donna Cariaga, Ronwaldo Martin, Jomari Angeles, Ahwel Paz

Presented by: Total Ace Media Productions, Silverjade Entertainment 

Release Date: August 6, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page